News Releases

English | Tagalog

“Tayo Sa Wakas” records P110 million in box office gross

June 20, 2026 AT 02:44 AM

Mapapanood na rin sa mga sinehan sa Hong Kong, Singapore, Malaysia, at Taiwan

Patuloy ang pagpapaibig ng pelikulang “Tayo Sa Wakas” sa mga manonood kaya naman umabot na sa P110 million ang kita nito sa takilya at kasalukuyang namamayagpag pa rin bilang isa sa highest-grossing local movies ng taon. 

Ito rin ang nagsisilbing pinakamalaking pelikula nina Belle Mariano at Donny Pangilinan, na naunang nagsama sa mga pelikulang “Love Is Color Blind” at “An Inconvenient Love.” 

 

Nasa ika-apat na linggo na sa mga sinehan sa bansa ang “Tayo Sa Wakas, ang 33rd anniversary offering ng Star Cinema. Kasalukuyan din itong ipinapalabas sa Canada, Guam, Australia, New Zealand, at Middle East. 

 

Mapapanood na rin ang latest movie ni Direk Cathy Garcia-Sampana sa mga sinehan sa Hong Kong simula Linggo (Hunyo 21), sa Singapore at Malaysia simula Huwebes (Hunyo 25), at sa Taiwan simula Hunyo 10 (Biyernes). Nakatakda rin itong ipalabas sa Macau sa nalalapit na panahon. 

 

Umiikot ang “Tayo Sa Wakas” sa kwento nina Cisco (Donny) at Cheska (Belle), na dating magkasintahan na napaghiwalay ng ambisyon. Magkakaroon sila ng ‘breakup trip’ para alamin kung kailangan na ba nilang sumuko sa isa’t isa o may pagkakataon pang ayusin ang kanilang relasyon sa huling pagkakataon.

Bisitahin ang tayosawakas.com at mytfc.com para sa karagdagang detalye at ticket information. Para sa updates, sundan ang Star Cinema sa Facebook, X (formerly Twitter), Instagram, YouTube, at TikTok.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

“Tayo Sa Wakas” records P110 million in box office gross