News Releases

English | Tagalog

Richard, Gerald masayang naging bahagi ng makabuluhang serye na "Blood vs Duty"

July 14, 2026 AT 07:20 PM

Kwento ng magkapatid na lumalaban para sa bayan, magtatapos na

Magtatapos na ang laban ng dalawang magkapatid para sa katotohanan at hustisya sa hit action-drama series ng ABS-CBN na “Blood vs Duty,” na pinagbibidahan nina Richard Gutierrez at Gerald Anderson.

Tinanggap ni Gerald ang matinding hamon na gampanan ang papel ng isang protektor ng isang Muslim community sa katauhan ni Jalil Abubakar na nagbigay sa kanya ng pagkakataon na makapaghatid ng bago sa mga manonood.

Kwento niya, “It’s a challenge, gusto mo lagi may bago para sa audience. Gusto mo may bago silang mapapanood sayo. I really wanted to take it seriously. Gusto ko mashare sa audience yung religion na Islam, so pinaghirapan ko yun.”

Samantala, itinuturing naman ni Richard ang “Blood vs Duty” na isa sa mga pinakamagandang proyekto niya, na nagbigay sa kanya ng oportunidad na isabuhay ang karakter ni Agent Marcus Reyes na bitbit ang integridad at katapangan sa kanyang laban.

Ani Richard, “I can say that this is one of my best works in terms of my acting career. It’s one of my favorites.”

Sa loob ng halos apat na buwan, tumatak ang “Blood vs Duty” sa mga manonood sa telebisyon at online dahil sa makabuluhang kwento nito.

Ayon sa head writer ng serye na si Cenon Palomares, layunin nila sa serye na maghatid ng kwentong sumasalamin sa totoong buhay habang nag-iiwan ng mga mahahalagang aral sa mga manonood.

“It has to be a story na nagre-resonate dapat sa audience. Afterwards, dapat meron ka ng baon, meron ka nang pinag-isipan. Pag tumingin ka sa paligid lagi mo na makikita na nagmi-mirror siya sa totoong nangyayari. Kailangan socially relevant,” diin niya.

Sa huling dalawang linggo ng “Blood vs Duty,” aarangkada ang planong destabilisasyon dito habang unti-unti nang lalabas ang katotohanan sa pagitan ng magkapatid na sina Jalil at Marcus. May panahon pa kaya para mabuo ang kanilang pamilya?

Abangan ang pasabog na pagtatapos ng “Blood vs Duty,” Lunes hanggang Biyernes, sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live, 8:45pm. Ipinapalabas din ito on demand sa Netflix at iWant. Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para mapanood ang “”Blood vs Duty” sa ABS-CBN sa ALLTV2, buksan ang inyong digital black box, pindutin ang scan button sa remote control, at hanapin ang ALLTV2.

 

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa “Blood vs Duty,” bisitahin ang bloodvsduty.abs-cbn.com at sundan ang JRB Creative Production sa Facebook, X (Twitter) (@JRBcreativeprod), Instagram (@JRBcreativeproduction), at TikTok (@jrbcreativeprod).

 

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

 

Richard, Gerald masayang naging bahagi ng makabuluhang serye na "Blood vs Duty"