News Releases

English | Tagalog

Pagbabalik-serye ni James, ipinasilip sa mga bagong eksena sa "Someone, Someday"

July 15, 2026 AT 05:32 AM

Malapit nang makilala ang bagong karakter na gagampanan ng Multimedia Prince na si James Reid sa kanyang inaabangang pagbabalik-teleserye sa “Someone, Someday” matapos maglabas ang ABS-CBN ng vertical videos ng ilan sa kanyang mga eksena.

 

Nagbabalik-primetime na nga si James para bigyang-buhay ang karakter na si Jordan Valentin na makikilala bilang ‘the good son, artist, at protector.’

 

Sa bagong videos na inilabas tampok ang mga eksena ni James, makikita ang labis niyang pagmamahal para sa kanyang lolo (Leo Rialp) na may sakit, na siya mismo ang nag-aalaga kasunod ng misteryosong pagkamatay ng nanay niya. 

 

May pasilip din sa relasyon nina Jordan at sa best friend niyang si Billy (Kathryn Bernardo) na makikita sa mga eksenang parati siyang ‘to the rescue’ sa lahat ng problema ng kanyang kaibigan lalo na nang tulungan niya ito laban sa panggugulo ng karakter ni McCoy De Leon.

 

Tampok naman sa isa pang scene drop ang nakakakilig na bersyon ni Jordan bilang isang artist kung saan binibida ang kanyang talento bilang musikero sa kanyang panghaharana sa intimate song number.

 

Sa nalalapit na premiere ng “Someone, Someday,” ibinahagi ni James ang kanyang excitement para sa serye kasama ang co-stars na sina Kathryn Bernardo at Maja Salvador.

 

“I just felt like now is the right time to come back. I haven’t played a character like this. I’m so excited for everyone to see how Kath and I, and also Maja bring these characters to life,” sabi ni James sa ginanap na mediacon noong Martes (Hulyo 14).

 

Dapat din abangan ng mga manonood ang mga kanta ni James na tampok sa serye tulad ng “Pauwi Na” at “Sandal.”

 

Ang “Someone, Someday” ay pinagbibidahan din nina Dimples Romana, Rowell Santiago, Rita Avila, McCoy De Leon, Daniela Stranner, at Migz Casimiro. Mula ito sa direksyon nina Chad V. Vidanes at Dolly Dulu.

 

Mapapanood ang “Someone, Someday” simula Hulyo 27 ng 8:45 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook. Una itong mapapanood sa Netflix sa Hulyo 24 at sa iWant sa Hulyo 25, at magiging available rin ito sa TFC.

 

Para makakuha ng updates sa “Someone, Someday,” bisitahin ang someonesomeday.abs-cbn.com. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE