News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN Entertainment may 55 milyong subscribers, most subscribed pa rin sa media and entertainment YouTube sa Southeast Asia

July 09, 2026 AT 06:17 PM

Nananatiling konektado ang ABS-CBN sa mga Pilipino online matapos magtala ang ABS-CBN Entertainment YouTube channel ng 55 milyong subscribers para manatiling may pinakamaraming subscribers sa Southeast Asia para sa media and entertainment category.

 

Umabot na rin ito sa 76 bilyong lifetime views noong Hulyo 3 base sa datos ng Tubular at YouTube Analytics. 

 

Maraming pwedeng pagpilian sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel tulad ng full episodes ng mga kasalukuyang umeereng programa at well-loved classics, highlights, at exclusive videos.

 

Available rin dito ang Kapamilya Online Live kung saan mae-enjoy ng mga Pilipino sa iba’t ibang parte ng mundo ang 24/7 livestreaming ng iba’t ibang programa ng ABS-CBN na kasalukuyang umeere, pati na rin ang replays ng mga all-time favorite show. 

 

Ilan sa mga maaring panoorin sa YouTube channel ay ang mga primetime show na “Coco Martin’s Sigabo,” “Blood vs Duty,” at “The Alibi: Ang Buong Katotohanan,” fan favorites na “It’s Showtime” at “ASAP XP,” ang newscast ng “TV Patrol,” at ang mga weekend game show na “Kapamilya Deal or No Deal” at “Everybody Sing.”

 

Patuloy din na tinatangkilik ang mga palabas na eksklusibong napapanood online tulad ng celebrity podcast na “Hot Takes” at ang Bisaya talk show na “Kuan on One” kasama ang host na si Melai Cantiveros. Nitong taon din inilunsad sa ABS-CBN Entertainment YouTube ang kauna-unahan nitong music docu-reality show na “The Next Big Band.”

 

Patuloy ang paglawak ng ABS-CBN Entertainment YouTube channel bilang parte ng layunin ng kompanya na maghatid ng inspirasyon, impormasyon, at saya sa mga Kapamilya sa iba’t ibang parte ng mundo.

 

Maging parte ng online pamilya ng ABS-CBN sa pag-subscribe sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

ABS-CBN Entertainment may 55 milyong subscribers, most subscribed pa rin sa media and entertainment YouTube sa Southeast Asia