Mapapanood na lahat ng episodes sa iWant
Tuloy-tuloy ang kilig na hatid nina JM Ibarra at Fyang Smith sa kanilang vertical rom-com series na “Will You Fake Marry Me?” matapos nitong ilabas ang Part 2 episodes sa iWant na nag-trending din sa social media.
Matapos ang premiere ng bago nitong episodes noong Hulyo 15, agad na napasama sa top trending topics ng X ang “JMFYANG WYFMM PART 2” at “#WillYouFakeMarryMe.” Pinuri ng mga netizen ang kwento nito pati ang kilig at husay sa pag-arte ng tambalang JMFyang.
Patuloy na napapabilang ang “Will You Fake Marry Me?” sa most-watched charts ng iWant magmula nang una itong ipalabas noong Hunyo 30, at kasalukuyang humahakot din ang unang limang episode nito ng mahigit 37 milyong views sa Facebook, TikTok, at YouTube.
Katuwang ang PlayTime Entertainment sa produksyon at sa direksyon ni Jojo Saguin, ipinagpatuloy sa Part 2 ng vertical serye ang kwento ng fake engagement nina June (Fyang) at Ping (JM) para sa iniwang pamana ng yumaong kamag-anak. Sa kabila ng kanilang pagpapanggap na ikakasal, uusbong naman ang tunay na pag-iibigan na namamagitan kina June at Ping.
Mapapanood na ang lahat ng episodes ng “Will You Fake Marry Me?” sa iWant habang libre pa ring mapapanood ang episodes 1-5 sa Facebook, TikTok, at YouTube pages ng iWant at ABS-CBN Entertainment.
Eksklusibong mapapanood sa iWant ang episodes 6 to 30 sa pamamagitan ng subscription plans na nagsisimula sa P35 kada buwan sa Pilipinas, at USD 4.99 kada buwan sa United States* (*promo price hanggang Hulyo 31, 2026) at iba pang bansa.
I-enjoy at damhin ang iba’t ibang kwentong Pinoy sa iWant, ang tahanan ng pinakamalawak na koleksyon ng Filipino feels. I-download ang app at mag-subscribe sa pamamagitan ng Google Play o Apple App Store.
Para sa updates, sundan ang iWant sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.
Para sa iba pang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.
