News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, muling pinarangalan ng mga guro sa ika-22 Gawad Pasado

October 12, 2020 AT 06 : 00 PM

Teachers from all over the country have once again recognized ABS-CBN programs, movies, and personalities as among the best in the industry at the 22nd Gawad PASADO held on October 10.

“Hello, Love, Goodbye,” kinilala bilang PinakaPASADOng Pelikula 
 

Muling kinilala ng mga guro sa bansa ang mga programa, pelikula, at personalidad ng ABS-CBN bilang mga natatangi sa industriya sa ginanap na ika-22 na Gawad PASADO. 

Nanguna sa mga pinarangalan ng Pampelikulang Samahan ng Dalubguro (PASADO) ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye” ng Star Cinema na tinangahal na PinakaPASADOng Pelikula. Wagi rin ang mga bida nitong sina Kathryn Bernardo at Alden Richards bilang PinakaPASADOng Aktor at Aktres, habang ang kasama nilang si Lovely Abella ay pinangalanang PinakaPASADONG Katuwang na Aktres. Panalo rin ang cinematographer at musical scorer ng pelikula na sina Noel Teehankee at Jessie Lasaten sa mga kategoryang PinakaPASADOng Sinematograpiya at PinakaPASADOng Musika.  

Tumanggap naman ng pinakamataas na pagkilala ang batikang aktor na si Jaime Fabregas ng “FPJ’s Ang Probinsyano.” Tinanggap ng beteranong aktor ang PASADO Lifetime Achievement Award dahil sa kanyang husay sa sining ng pag-arte at sa pagiging magandang ehemplo sa manonood sa pamamagitan ng kanyang pagganap sa mga karakter tulad ni “Lolo Delfin” sa nasabing patok na teleserye. 

Sa TV category naman, umani rin ng tagumpay ang family drama na “Pamilya Ko,” kabilang na ang PinakaPASADOng Teleserye, PinakaPASADong Aktres sa Teleserye para kay Sylvia Sanchez, at PinakaPASADOng Aktor sa Teleserye para kay JM de Guzman.  Samantala, pinangalanang PinakaPASADOng Likhang Bata naman ang “Starla” child actor na si Enzo Pelojero. 

Ang PASADO ay samahan ng mga guro sa pribado at pampublikong mga paaralan mula elementarya hanggang kolehiyo na sumusuri sa mga pelikula na maaaring gamitin sa pagtuturo.

Naganap ang virtual awarding ceremony ng ika-22 Gawad PASADO Gabi ng Parangal noong Oktubre 10. Para sa karagdagang detalye, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom