KD Estrada’s revelation that he had an anxiety attack brought by the challenges of the pandemic tugged at the heartstrings of his fellow housemates and netizens alike in “PBB Kumunity.”
Housemates, tagumpay sa unang weekly task
Napukaw ang damdamin ng netizens at celebrity housemates matapos ilahad ni KD Estrada ang kanyang naging anxiety attack dahil sa mga hamon sa buhay sa “PBB Kumunity.”
Ani ng “Musical Wonder Boy ng Parañaque,” bago siya nag-graduate ng high school ngayong taon, huminto siya saglit sa pag-aaral dahil napagod siya sa online class.
“I didn’t like online class talaga. I had an anxiety attack a few months ago na I was going to fail and it’s all my fault. Dahil sa anxiety attack ko, inilabas ko ang lahat ng nararamdaman ko sa parents ko so I felt like such a burden, na napakasama kong tao,” kwento ni KD habang binabasa ang isang liham mula sa kanyang mga magulang.
Agad namang dinamayan ng kapwa celebrity housemates ang emosyonal na si KD. “No one should feel alone. No one deserves it,” pahayag ni Samantha Bernardo sa confession room.
Binigyan din ni Kuya si KD ng payo tungkol sa mental health. “Huwag mong maliitin ang mga pinagdaanan mo. Sa panahon ngayon KD, importanteng bagay ang mental health. ‘Yung pinagdadaanan mo, hindi ka nag-iisa. Hindi mali at hindi mas lalong pabigat,” ani Kuya kay KD.
Ayon naman sa resident psychologist ng “PBB Kumunity” na si Dr. Randy Dellosa, magandang mapaliwanag ni KD sa kanyang kapwa housemates na siya ay isang introvert na gusto laging mapag-isa at kailangan ding respetuhin ng housemates si KD kung gusto niya ng space.
Dahil sa naging emosyonal na episode, naging top trending topic ang #PBBS10SupportKita sa Twitter Philippines. “Today’s episode is really good. Having awareness of our mental health. Parents and adults should consider the feelings of young people. Our feelings [are] always valid. #PBBS10SupportKita,” tweet ni @PBBFanaccount.
Samantala, nagtagumpay naman ang housemates sa kanilang unang weekly task na pinangunahan nina Madam Inutz at Brenda Mage. Nabenta nila ang lahat ng damit sa isang online live selling sa Kumu at napagdesisyunan na ibibigay nila ang nalikom na pera para sa National Correctional Consciousness Week ng Bureau of Jail Management and Penology na suhestiyon ng housemate na si Karen Bordador.
Nakapasok na rin ng bahay ni Kuya sina Kyle Echarri at Chie Filomeno at ngayong linggo, matutunghayan na rin ang second weekly task nila na horror musical play. Muli kayang magtagumpay ang celebrity housemates?
Abangan sa “PBB Kumunity Season 10” Celebrity Edition sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWantTFC, at TFC tuwing 5:45 pm mula Lunes hanggang Biyernes. Eere naman ito tuwing 7 pm kada Sabado at Linggo. Samantala, mapapanood ang 24/7 livestream ng “PBB Kumunity” sa Kumu.
Para sa updates at iba pang anunsyo mula kay Kuya, tutok lang sa “PBB Kumulitan” online show sa Kumu at Facebook kasama sina Bianca Gonzalez, Enchong Dee, at Melai Cantiveros tuwing 5:30 pm mula Lunes hanggang Biyernes at kasama si Sky Quizon tuwing 6:30 pm ng weekend. May “Kumunity G sa Gabi” rin mula Lunes hanggang Biyernes sa Kumu kasama si Robi Domingo. I-follow din ang @pbbabscbntv sa Facebook at Instagram at @pbbabscbn sa Twitter at kumu. Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.