Will Alexa finally get her justice? Who among them will survive?
Sino ang mananatiling buhay sa huling dalawang linggo ng serye?
Inaabangan na ng mga manonood ang huling dalawang linggo ng sikat na Kapamilya teleseryeng “Dirty Linen” kung saan masasaksihan ang walang katapusang ganitihan na mauuwi sa patayan ng dalawang pamilya nina Alexa (Janine Gutierrez) at Aidan (Zanjoe Marudo).
Tutukan ang laban ng mga nais makamit ang hustisya at ng mga sakim sa kapangyarihan sa huling dalawang linggo ng “Dirty Linen” sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.
Malalagay sa alanganin ang buhay ng mga karakter dahil itotodo na ni Carlos (John Arcilla) ang kanyang kahibangan bilang nag-iisang “hari” ng pamilya Fiero matapos niyang malaman na sa kanya lang ipinamana ang milyon-milyong pera at ari-arian ng buong pamilya.
Babawian naman ni Alexa at ng kanyang mga kasabwat na sina Rolando (Joel Torre), Max (Christian Bables), at Lala (Jennica Garcia) ang pamilya Fiero dahil mapipilitan silang gumawa na rin ng karahasan upang mapaamin ang mga ito sa patong-patong nila mga krimen, kabilang na ang matagal nang palaisipan kung sino nga ba ang totoong pumatay kay Olivia (Dolly De Leon), ang kabit ni Carlos at nanay ng half-sisters na sina Alexa at Chiara (Francine Diaz).
Ipinasilip din sa makapigil-hiningang finale teaser ng “Dirty Linen” ang tila pagkamatay ng ilang mga karakter. Magugulantang din si Aidan sa sunod-sunod na matitinding rebelasyon at ang paglitaw ng mga baho ng sarili niyang pamilya.
Makakamit na ba ni Alexa ang hustisya laban sa mga Fiero? Sino-sino ang mananatiling buhay pagkatapos ng lahat ng ito?
Huwag palampasin ang pasabog na finale ng “Dirty Linen” sa Agosto 25 (Biyernes) ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Dirty Linen.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.