News Releases

English | Tagalog

Mga kaiibigang kwento matutunghayan sa Batch 2 ng "PBB Otso"

January 11, 2019 AT 12:55 PM

"PBB Otso" Batch 2 features housemates with incredible stories

Stories that tug at the heart abound in Kuya’s second batch of housemates who entered his house last Tuesday (January 8) and all of them have something to share, including the incredible stories of long-lost siblings who might meet for the first time on the show and the modern family love story of a trans woman and her lesbian partner.

Matutunghayan ng mga manonood sa Batch 2 ng “PBB Otso” ang sari’t-saring kwento ng buhay—emosyonal at kawili-wili—mula sa walong adult housemates ni Kuya na pumasok na sa PBB house noong Martes (Enero 8)—kasama na ang maaaring pagktatagpo ng magkapatid na hindi kilala ang isa’t-isa, at ang love story ng isang transgender woman at lesbian na nagbunga ng sariling anak.
 
Isa sa mga bagong housemate ni Kuya si Apey, ang Binibining Daldal ng Gensan. Lumaki siya sa piling ng kanyang lolo at lola dahil hindi niya nakasama ang kanyang mga magulang. Lingid sa kaalaman ni Apey, mayroon siyang kapatid sa ama na isa namang star dreamer, si Mark, ang Incredible Itay ng Compostela Valley. Magkakaroon kaya ng pagkakataong magkrus ang landas ng dalawa sa kanilang pamamalagi sa bahay ni Kuya at sa camp?
 
Nakaka-wow naman ang kwento ng pagmamahalan ni Mitch Talao, ang Trans Mama ng Lucena at ng kanyang partner na lesbian. Dahil sa kanilang matinding kagustuhang magkaanak ay nagawan nila ng paraan para mangyari ito at biniyayaan sila ng isang baby boy para makumpleto ang kanilang ‘modern family.’
 
Bagama’t dayuhan ang Konichi-Wonder Vlogger ng Japan na si Fumiya Sankai, Pilipino naman daw siya sa kanyang puso. 2017 nang magpunta si Fumiya sa bansa at napamahal na ito at ang mga Pinoy sa kanya.
 
Ang katuparan naman ng mga pangarap para sa sarili at sa kanilang mga pamilya ang nais makamit nina Lou Yanong, ang Rampa Sister ng Mandaluyong, Yamyam Gucong, ang Iskulit Bai ng Bohol, at Abi Kassem, ang Kolehiyala Cutie ng Isabela sa kanilang pagpupursige at pagpasok sa bahay ni Kuya.
 
Samantala, nais namang patunayan nina Andre Brouillette, ang Amazing Alo-Hunk ng Hawaii, at Wakim Regalado, ang Gifted Go-Getter ng Iloilo, na kaya nilang harapin ang anumang hamon sa buhay kung kaya’t nakipagsapalaran sila para maging housemate.
 
Tumutok sa “PBB Otso” para masubaybayan ang mga kakaibang kwento ng mga housemates sa loob ng bahay ni Kuya.
 
Panoorin ang “PBB Otso,” gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN, pagkatapos ng “Halik,” tuwing Sabado pagkatapos ng “Home Sweetie Home,” at tuwing Linggo pagkatapos ng “Wansapanataym.” Mapapanood din ang “PBB Otso Gold” sa Kapamilya Gold pagkatapos ng “Los Bastardos.” Maaari namang subaybayan ang “Camp Star Hunt” at ang livestream ng “PBB Otso” sa iWant.
 
Sundan ang @PBBabscbntv sa Facebook, @PBBabscbn sa Twitter, @pbb_abscbn sa Instagram, at Pinoy Big Brother sa YouTube. Maaari ring sundan ang @starhuntabscbn sa Facebook, Twitter, and Instagram.
 
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram, o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.