News Releases

English | Tagalog

CK Kieron pagkakaitan ng apelyido sa "Ipaglaban Mo"

January 12, 2019 AT 09:12 AM

CK Kieron fights for his surname in "Ipaglaban Mo"

Charles “CK” Kieron plays a child denied of his true father’s surname in this Saturday’s (January 12) “Ipaglaban Mo.” Zander (CK) was a baby when his parent’s marriage abruptly comes to an end when his father, Harry (James Blanco), discovers that the former’s mother, Jessica (Desiree Del Valle), has previously been married and that it has not been annulled.

Lalaking pangalan ng iba ang dadalhin

 
Gaganap si Charles “CK” Kieron bilang Zander, ang batang pagkakaitan gamitin ang apelyido ng tunay na ama ngayong Sabado (Enero 12) sa “Ipaglaban Mo.”
 
Sanggol pa lamang si Zander (CK) nang magtapos ang pagsasama ng kanyang amang si Harry (James Blanco) at Jessica (Desiree Del Valle) nang madiskubre ng ama na kasal pa rin ang asawa sa ibang lalaki dahil hindi pa ito na-aanull.  
 
Idineklara ng korte na “null and void” ang kasal ng mga magulang ni Zander at binigyan ng visitation rights ang ama na hindi pinahintulutan ng ina. Minabuti ni Harry na ipagtanggol ang karapatan sa anak at ilaban ang kaso sa korte, kasama na ang pagkakaloob ng apelyido nito sa nawalay na anak.  
 
Nang binata na si Zander, nagtagpo silang muli ng ama at naipit sa away nina Harry at Jessica. Sinuway nito ang bilin ng ina at napalapit ang loob sa amang hinahanap-hanap sa paglaki.  
 
Tuluyan na kayang mabubuo ang pamilya nina Zander? Gaano kaimportante ang apelyido sa anak na sabik makilala ang tunay na ama?
 
Handog ng “Ipaglaban Mo,” ang longest-running na legal drama sa bansa, ang mga makabuluhang episode base sa totoong buhay, na maaaring mapagkuhanan ng aral. Nagbibigay rin ito ng libreng legal advice linggo-linggo sa ABS-CBN Tulong Center sa Quezon City.
 
Huwag palampasin ang “Apelyido,” sa direksyon ni Ritchie Roño, ngayong Sabado (Enero 12), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.
 
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE