Since 2017, ABS-CBN has held ten “Saludo sa Sundalong Pilipino” events in different military camps in the country from Nueva Ecija to as far as Cagayan de Oro. It aims to pay tribute to our soldiers, and provide them love and entertainment while they are away from their families to fulfill their duties to the country.
Coco, Regine, at Moira, nanguna sa pagbibigay-pugay sa AFP
Ilan sa pinakamalalaking bituin sa Pilipinas ang nagkaroon ng pagkakataong magpasalamat at maghandog ng kasiyahan sa mga bayaning sundalo ng bansa sa pagbisita ng ABS-CBN sa mga kampo ng Philippine Navy at Philippine Air Force, at sa headquarters ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kamakailan lang.
Nanguna sa programang “Saludo sa Sundalong Pilipino” para sa mga mandaragat at marinero sina Tirso Cruz III, Janice De Belen, Raymart Santiago, at Pokwang, habang ang mga bida ng teleseryeng “A Soldier’s Heart” ang nakasama ng mga taga-Air Force. Ang primetime king mula sa “FPJ’s Ang Probinsyano” na si Coco Martin at ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez naman ang pinaka-inabangan sa base ng AFP.
Sinimulan ng Kapamilya network ang programang ito noong 2017 para magbigay pugay sa mga sundalong Pilipino at maipadama sa kanila ang pagmamahal ng isang Kapamilya sa tulong ng mga artista, mamamahayag, at opisyal ng ABS-CBN.
Maliban sa mga awit at sayaw na handog ng mga artista, kinagiliwan din ng mga sundalo ang pagpapakita ng talento ng kanilang mga kasamahan. Kung ang iba ay nakipag-duet sa mga artista, ang iba ay sumabak sa aktingan kung saan naging hurado si Tirso, na gumanap na dating militar sa “The General’s Daughter.”
“This is our own small way, kaming mga taga-showbiz, to show them na we are very grateful, na kami ay nagpapasalamat na nandiyan sila,” aniya.
Naging emosyunal naman si Gerald Anderson, ang bida ng “A Soldier’s Heart,” nang maalala ang karanasan niya bilang anak ng sundalo.
“Ilang beses din nag-landing at nag-take off ang tatay ko rito sa Clark City. Hindi biro ang ginagawa ninyo araw-araw para sa amin,” sabi niya.
Kasama niya rin sa pagbisita sa mga sundalo ang mga co-star na sina Carlo Aquino, Jerome Ponce, Nash Aguas, Yves Flores, at Elmo Magalona.
Ilan pa sa mga nakasama sa “Saludo” event kamakailan lang sina Ogie Alcasid, Sunshine Cruz, Daryl Ong, Klarisse De Guzman, Jackie, Stephen, at Sanrio ng “It’s Showtime,” Tart Carlos, GT members Sammie, Krissha, at Joanna, Ritz Azul, Pinoy Big Brother Otso alumni na sina JC, Hanie, Tori, Camille, Shawntel, Abi, Franki, Diana, at Lie, “Idol Philippines” finalists na sina Lucas Garcia, Lance Busa, at kampeon na si Zephanie Dimaraanan, Smugglaz, at sina Eric Nicolas at Alora Sasam.
Nagpasalamat din ng personal sina Chiara Zambrano at Bernadette Sembrano ng ABS-CBN News at ang mga opisyal ng ABS-CBN sa pangunguna ng chairman na si Mark Lopez, president at CEO na si Carlo Katigbak, at COO for Broadcast na si Cory Vidanes.
“Isipin niyo, una ang bayan bago pa ang pamilya. Ang hirap kayang iwanan ang pamilya. Kaya nais din po naming magpasalamat sa inyong mga pamilya na nakakaunawa po sa inyong serbisyong ginagawa,” ani Bernadette.
Mula 2017, sampung “Saludo sa Sundalong Pilipino” na programa na ang naisasagawa ng ABS-CBN sa iba-ibang kampo sa bansa. Layunin nito na ipagdiwang ang katapangan at pagmamahal sa bayan ng mga bayani ng bayan, at maghatid sa kanila ng saya habang malayo sila sa kanilang mga pamilya upang gampanan ang kanilang tungkulin sa bansa.