iWant marks its growing subscriber base with a child safety feature and new original shows that showcase the best of Filipino storytelling this March.
Mas mababantayan na ng mga magulang ang pinapanood ng kanilang mga anak sa streaming service na iWant ngayong mayroon na itong child safety feature para sa videos na may maseselang tema.
Sa pamamagitan ng naturang feature, maiiwasang mai-stream ng mga bata ang iba-ibang shows at pelikulang may mga eksenang hindi angkop sa mga bata, gaya ng karahasan at sex.
Madadagdagan naman ng saya, kilig, at aksyon ang iWant sa dalawang bagong series nitong “Bagman,” tungkol sa isang ordinaryong lalaking lalamunin ng katiwalian, at “Touch Screen” na tiyak na mae-enjoy at makaka-relate ang buong pamilya.
Masisilip sa “Bagman” ang masukal na mundo ng pulitika at mga makapangyarihang tao sa pamamagitan ng kwento ng karakter ni Arjo Atayde. Isang ordinaryong barbero sa simula, unti-unti niyang tatalikuran ang kinasanayang buhay at masisilaw sa pera at kasakiman dahil sa patuloy niyang pagsisilbi sa isang gobernador bilang “bagman” nito. Magsisimulang i-stream ang unang anim na episodes ng action-suspense series sa Marso 20 at ang huling tatlong episodes naman sa Marso 27.
Ipapakita naman ng “Touch Screen” ang epekto ng social media, internet, at teknolohiya sa totoong buhay. Bida sa tatlong episodes nito sina Janella Salvador, Pokwang, at Denise Laurel at napapanood na ngayon sa streaming service.
Noong Pebrero, nagtala ng 80 milyong views ang iWant dala ng patuloy na panononood ng users mga pelikula, bagong original movies at shows gaya ng “Allergy in Love,” “Hush,” at “Apple of My Eye,” at pagsubaybay ng sports fans sa mga laro ng paborito nilang mga liga sa bagong iWant Sports section. Binabalik-balikan din sa streaming service ang episodes ng Kapamilya programs, kabilang na ang top ten most watched shows dito na “Halik,” “Kadenang Ginto,” “The General’s Daughter,” “Pinoy Big Brother Otso,” “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Playhouse,” “Los Bastardos,” “It’s Showtime,” Gandang Gabi Vice,” and “Maalaala Mo Kaya.”
Samantala, nagbabalik naman ngayong Marso ang viral love team nina Angel Aquino at Tony Labrusca sa director’s cut ng “Glorious” tampok ang mga karagdagang mapupusok na eksenang never-before-seen. Mapapanood ito sa iWant araw-araw mula 11 PM hanggang 6 AM.
Kamakailan, ginawaran din ng YouTube ang ng Silver Creator Award nang magtala ang YouTube channel nito ng higit sa 100,000 subscribers. Ngayong Marso 9, mayroon nang 173,431 subscribers ang channel na patuloy na sinusubaybayan ang the highlights ng “Camp Star Hunt” at “iWant ASAP,” pati na ang trailers ng original shows at movies ng iWant.
Ang iWant ang natatanging streaming service sa bansa na may pinakamalaking kolesyon ng pelikula at palabas. Mapapanood nang libre dito ang iWant original movies at shows gaya ng “Spirits Reawaken,” “Alamat ng Ano,” “Ma,” “Laureen on a Budget,” “Everybody Loves Baby Wendy,” “High,” “The Gift,” “S.P.A.R.K.,” “The End,” “High,” “Allergy in Love,” “Hush,” “Project Feb. 14,” at “Apple of My Eye.”
Handog din nito ang mga luma at kasalukuyang umeereng Kapamilya shows, 1,500 na pelikula, restored film classics, documentaries, Asianovelas, live digital concerts, at ang livestreaming ng “Camp Star Hunt,” “iWant ASAP,” DZMM TeleRadyo, ABS-CBN Channel 2, at ABS-CBN S+A. Mapapakinggan din sa iWant ang libo-libong awitin ng sikat na Pinoy singers.
Mas maraming users na rin ang makakapag-enjoy sa latest offerings ng iWant dahil maaari na itong i-connect sa TV gamit ang Chromecast at Apple Airplay.
Ang iWant ay kabilang sa digital initiatives ng ABS-CBN na nagpapatunay sa patuloy nitong pag-transition bilang isang digital company dahil sa patuloy na paglawak ng online presence nito at pagdami ng digital properties.
For updates, like
www.facebook.com/iWant, and follow @iwant on Twitter and @iwantofficial on Instagram, and subscribe to
www.youtube.com/iWantPH.