ABS-CBN’s award-winning current affairs program “Red Alert” will look into the state of emergency and rescue in the country every Wednesday this March as it celebrates five years of advocating emergency-preparedness among Filipinos.
“Red Alert” ng ABS-CBN, limang taon na
Sa ika-limang anibersaryo ng “Red Alert” sa ABS-CBN, tututukan ni Jeff Canoy ang kasalukuyang lagay ng emergency at rescue sa Pilipinas bawat Miyerkules ng Marso.
Samahan si Jeff na kilalanin ang mga taong hindi lang trabaho kundi misyon ang magligtas ng buhay ng kapwa tulad ng mga bombero, emergency responder, doktor, at komadrona sa barrio sa programa, na umeere ng 9:30 pm sa DZMM TeleRadyo at pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN.
Ngayong Miyerkules (Marso 13), makakapanayam ni Jeff si Arkie Castisimo na sampung taon nang rumeresponde sa mga insidente ng sakuna sa limang barangay ng Commonwealth sa Quezon City.
Hindi madali ang trabaho ni Arkie, kung saan bawat segundo ay mahalaga para maisalba ang buhay ng tao, at kung saan nalalagay pa ang sarili nilang buhay sa peligro.
Sa kabila ng kakulangan sa kagamitan at maliit na kita, patuloy pa ring bumabangon si Arkie upang sumaklolo sa mga nangangailangan ng tulong.
Unang napanood ang “Red Alert” sa ABS-CBN noong Marso 2014. Layunin ng programa na armasan ng kaalaman ang mga Pilipino sa pagiwas at pagharap sa aksidente o sakuna, dulot man ng tao o ng kalikasan.
Huwag palampasin ang handog ng “Red Alert” sa ika-lima nitong anibersaryo tuwing Miyerkules, 9:30 pm sa DZMM TeleRadyo at pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN. Manood online sa
skyondemand.com.ph o sa
iwant.ph. Sundan ang @RedAlertABSCBN sa Facebook at @ABSCBNRedAlert sa Twitter. Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa
abscbnpr.com.