News Releases

English | Tagalog

Aljur, celebrity star player ni Kuya

March 06, 2019 AT 12:56 PM

Aljur is Kuya’s celebrity star player

Popular action-drama actor, Aljur Abrenica, joins “Camp Star Hunt” as a star dreamer, in a surprise twist on “PBB Otso” last Sunday (March 3), where it was also announced that housemates will go head to head against the star dreamers in the Pinoy Big Battle this military week.

Housemates at star dreamers, magbabakbakan

Pumasok sa “Camp Star Hunt” bilang celebrity star player ang popular na action-drama actor na si Aljur Abrenica, sa isang hindi inaasahang pagkakataon sa “PBB Otso” noong Linggo (Marso 3).
 
Kasabay ito ang pag-anunsyo sa bagong task ng mga housemate, at maging mga star dreamer, ang pagsabak nila sa Pinoy Big Battle sa military week.
 
Marami nang napagdaananang roles at hamon sa buhay si Aljur, pero iba rin ang mga mararanasan niya sa loob ng “Camp Star Hunt,” lalo na ngayong military week. Sabi ng Kapamilya actor sa kanyang pagpasok, “Very honored and excited ako.” Dagdag pa niya, “Yes, nagpaalam ako sa mag-ina ko kanina.”
 
Inaasahang sasali si Aljur sa pinakabagong weekly task ng mga star dreamer at housemate--ang military challenge ng Pinoy Big Battle na paglalabanan ng dalawang bahay. Magtatagisan ng galing ang mga housemate at star dreamer laban sa isa’t-isa sa series of challenges. Kapag ang mga housemate ang manalo, walang eviction na magaganap ngayong linggo. Sa kabila naman, kapag mga star dreamer ang manalo, may isa pa sa kanila na magko-crossover papunta sa bahay ni Kuya.
 
Hindi na makakasama sa Pinoy Big Battle si JC Gamez, ang Mucho Raketero ng Rome, dahil siya ang pinakabagong "evictee" mula sa bahay ni Kuya matapos makakuha ng pinakamababang bilang ng boto (5.02%) mula sa taong bayan. Ayon sa post-eviction interview ni JC sa “PBB Bring 8 On,” ang online show ng “PBB Otso,” wala siyang pinanghihinayangan. Aniya, "Nung first day, sabi ko sa sarili ibibigay ko po lahat, 100%. Yung mind set ko po, sabi ko, 'pag lumabas ako sa bahay ni Kuya dapat hindi talaga ako magsisisi kahit sa pinakamaliit na bagay.'" Binahagi rin ni JC na para sa kanya si Yamyam ang karapatdapat na maging Batch 2 Big Winner dahil “sa lahat ng mga pinakita niya talagang feeling ko buong Pilipinas po na-inspire niya.”
 
Sina Yamyam (39.76%), Fumiya (34.01%), at Lou (21.2%) naman ang mga housemate na mananatili sa bahay ni Kuya.
 
Nag-crossover naman mula sa camp sina Shawntel Cruz, ang Muse-sical Daughter ng Baguio, at si Thea Rizaldo, ang Daring Dalaga ng Bohol.
 
Paaano kaya haharapin ng dalawang pinakabagong housemate ang military challenge laban sa mga star dreamer na ilang araw lang ay kasa-kasama nila? Aling panig kaya ang mananaig, ang bahay ni Kuya o ang camp?
 
Panoorin ang “PBB Otso,” gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN, pagkatapos ng “Halik,” tuwing Sabado pagkatapos ng “Home Sweetie Home,” at tuwing Linggo pagkatapos ng “Wansapanataym.”Mapapanood din ang “PBB Otso Gold” sa Kapamilya Gold pagkatapos ng “Los Bastardos.” Maaari namang subaybayan ang “Camp Star Hunt” at ang livestream ng “PBB Otso” sa iWant.
 
Sundan ang @PBBabscbntv sa Facebook, @PBBabscbn sa Twitter, @pbb_abscbn sa Instagram, at Pinoy Big Brother sa YouTube. Maaari ring sundan ang @starhuntabscbn sa Facebook, Twitter, and Instagram.
 
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram, o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.