News Releases

English | Tagalog

Mga propesor at guro, pinili ang ABS-CBN

April 01, 2019 AT 12:01 PM

Educators and mentors choose ABS-CBN

ABS-CBN again earned the approval of the academic community, winning TV Station of the Year and Best Radio Station (AM) for DZMM Radyo Patrol for the third straight year and 19 other awards for its various shows, movies, content, and personalities at the third Guild of Educators, Mentors, and Students (GEMS) Hiyas ng Sining Awards.

Humakot ng 21 tropeo kabilang ang Best TV Station

 
Aprubado muli ang ABS-CBN ng mga propesor at guro pagkatapos manalong TV Station of the Year sa pangatlong Guild of Educators, Mentors, and Students (GEMS) Hiyas ng Sining Awards, kung saan nagwagi ring Best Radio Station (AM) ang DZMM Radyo Patrol sa ikatlong pagkakataon.
 
Bukod diyan, nag-uwi pa ang Kapamilya network ng 19 pang tropeo kabilang ang Best Male News Program Anchor para kay Anthony Taberna ng “Umagang Kay Ganda” at Best TV Program Host para kay Boy Abunda ng “The Bottomline.”
 
Sa larangan ng entertainment, nanguna naman ang “FPJ’s Ang Probsinyano” na umani ng tropeo bilang Best TV Series, habang ang “ASAP Natin ‘To” ang tinanghal na Best TV Program at ang “Ipaglaban Mo” ang nanalong Best TV Program (Drama).
 
Samantala, dominado pa rin ng mga Kapamilya ang kategoryang TV. Panalo si Jericho Rosales bilang Best Actor (TV Series) para sa “Halik” habang si Julia Barretto ang pinililng Best Actress (TV Series) para sa “Ngayon at Kailanman.”
 
Pinarangalan naman si Kim Chiu bilang Best Actress (Single Performance) para sa “Mata” na episode ng “Maalaala Mo Kaya,” at si Joross Gamboa bilang Best Actor (Single Performance) para sa “Alkansya” episode ng parehong programa.
 
Nagwagi rin sa kategoryang Best Performance in a Supporting Role sina Iza Calzado (Female) para sa “Ngayon at Kailanman” at si Jhong Hilario (Male) para sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”
 
Sa larangan ng pelikula, itinanghal na Natatanging Pelikulang Pangkasarian ang Cinema One Originals production na “MAMU: And a Mother Too” habang ang mga bida nitong sina Iya Minah at Arron Villaflor ang nanalo bilang Best Actor at Best Supporting Actor.
 
Samantala, ginawaran ng tropeong Natatanging Hiyas ng Sining sa Pinilakang Tabing ang beteranong aktor na si Eddie Garcia, na huling napanood sa TV sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” para sa mga kontribusyon niya sa industriya. Panalo rin ang child actress na si Xia Vigor na nakatanggap ng tropeong BATA (Bibo, Aktibo, Talentadong Anak ng Sining).
 
Hindi rin nagpahuli sina DJ Chacha ng MOR 101.9 na pinangalanang Best Female Radio DJ, DZMM anchor na si Maresciel Yao na kinilalang Best Female Broadcaster para sa “Usapang de Campanilla,” at ang Star Studio na pinarangalang Best Magazine.
 
Ang Hiyas ng Sining ay ginagawaran ng GEMS, isang organisasyon ng mga guro, propesor, at propesyonal sa akademiya mula sa iba’t ibang paaralan at organisasyong akademiya sa Pilipinas. Kinikilala nito ang mga natatanging proyekto at personalidad sa larangan ng TV, pelikula, radyo, panitikan, at teatro.