Weekends are about to become more productive and inspiring as Karen Davila delivers the success stories of Filipino entrepreneurs in “My Puhunan,” on its new timeslot every Saturday morning at 6:30 am on ABS-CBN, with replays every Tuesday after “Bandila.”
Ma-inspire sa “Mission Possible” at “Salamat Dok” tuwing weekend
Ma-inspire at matuto sa mga kwento ng tagumpay sa negosyong hatid ni Karen Davila sa “My Puhunan,” na mapapanood na tuwing Sabado ng 6:30 am sa ABS-CBN at may replay tuwing Martes pagkatapos ng “Bandila.”
Ngayong Sabado (Abril 6), itatampok ni Karen ang apat na dating mga empleyado na nagtagumpay sa negosyo at ngayon ay nakakatulong pa sa iba’t ibang komunindad. Una riyan si Jemuel Gabuna, na nagsimulang mag-
urban farming matapos bahain noong Bagyong Ondoy. Sa tulong ng mga residente ng Marikina, na tinuruan niyang mag organic farming, lumaki na ang negosyo niyang Nehemiah Superfoods na ngayon ay nakilala na sa mga organic gulay.
And from gulay to healthy tea! Yan naman ang ginagawa ng kapartner ni Jemuel sa negosyo na si Marites Santiano. Dating empleyado sa isang TV network na dumiskarte sa pagsasaka noong naging us pang malunggay bilang “superfood” o healthy na pagkain. Nakapagtayo na siya ng pabrika na Tropical Palm Herb Manufacturing, kung saan ginagawang tsaa ang iba’t ibang gulay tulad ng malunggay, turmeric, guyabano, bignay, tawa tawa, lagundi, at iba pa.
Makakakuha rin ng inspirasyon sa kwento ng mag-asawang mahilig mag-bake, sina Jerwin at Tin Damay na nagsimula lang sa puhunang P4,000 at nag-sideline lang na magbenta ng mga healthy cookie sa kanilang opisina. Sumikat ang kanilang produkto. At sa pagdagsa ng mga orders sa Tintans Cookies kinuha nilang lang katulong sa negosyo ang mga babae sa komunidad ng Gawad Kalinga sa Baseco.
Sa bagong timeslot ng programa, mas mapapaaga na ang inyong pag-asenso. Inaasahang mas marami pang maeengganyong magsimula ng kanilang sariling negosyo at magkaroon ng pagkakakitaan na makakatulong sa pamilya at maging sa ibang tao. Maliban sa “My Puhunan,” may dala ring pag-asa ang dalawa pang palabas ng ABS-CBN Integrated News & Current Affairs sa weekend. Mapapanood na rin ang “Mission Possible” kasama ang anchor na si Julius Babao sa bagong timeslot nito sa Sabado (April 6) ng 6 am. Samantala, maganda naman ang simula ng Linggo kasama ang “Salamat Dok” kasama ang mga anchor nitong sina Alvin Elchico, Bernadette Sembrano-Aguinaldo, at Jing Castañeda-Velasco simula 7:30 am.
Panoorin ang “My Puhunan,” na anim na taon nang umeere, sa bagong timeslot tuwing Sabado ng 6:30 am. Panoorin ang replay tuwing Miyerkules pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN. Mapapanood rin ito sa DZMM TeleRadyo at sa ANC tuwing Miyerkulas ng 9:30 pm at Huwebes ng 1:30 pm. Para sa updates i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa abscbnpr.com.