News Releases

English | Tagalog

Ella Cruz, ginahasa ng amaing si Epi Quizon sa “Ipaglaban Mo”

May 29, 2019 AT 12:22 PM

Ella Cruz, gets raped by stepfather Epi Quizon in “Ipaglaban Mo”

Ara Mina clings to lover despite daughter’s suffering

Mapapariwara ang dalagang si Jacqueline o Jack Manuel (Ella Cruz) dahil sa pagsasamantala ng kinilalang tatay-tatayang si Edgar Laserna (Epi Quizon) at pagkampi ng inang si Doray Manuel (Ara Mina) ngayong Sabado (Hunyo 1) sa “Ipaglaban Mo.”     
 
Asal lalaki at pasaway ang dalagang si Jack na laging nauutusan sa kanilang bahay. Inakala nitong matutupad na ang inaasam-asam na pagkalinga ng isang ama sa ka-“live in” ng nanay. Ngunit tatlong beses itong pagsasamantalahan ng amain na kanyang isusumbong kay Doray. Hindi ito paniniwalaan ng ina dahil hindi sila madalas magkaunawaan. Lalayas si Jack at mamasukang katulong upang makatakas sa tahanan.
 
Maapi ito sa pinamamasukan at maglalayas muli. Dahil walang mapuntahan, magpapalaboy-laboy ito sa kalye at sasama sa mga kaibigang masama ang impluwensya sa kanya. Hahanapin siya ni Doray subalit hindi matatagpuan. Sa paglalaboy ni Jack, mabubuyo ito ng mga kasamahang magnakaw ng sigarilyo sa tindhan. Mahuhuli siya ni SPO4 Marites (Blaine Medina) na sa halip ikulong ang nawala sa landas na bata ay dadalhin sa Department of Social Welfare Development (DSWD) nang malaman ang sinapit na panggagahasa ni Edgar at pangbubugbog habang namamasukang kasambahay.
 
Sa tulong ng mga awtoridad at DSWD, sasampahan nila ng kaso si Edgar. Mariin itong itatanggi ng kinilalang ama at aakusahan si Jack na gawa-gawa lamang ng dalaga ito dahil nahulihan itong nagnanakaw sa ina.
 
Kanino kaya papanig ang korte sa pagkakataong pati sariling ina ay walang pinakitang tiwala sa anak? Makamit kaya ni Jack ang mailap na hustisya sa kabila ng kawalan ng pamilyang kakalinga sa oras ng pangangailan?
 
Handog ng “Ipaglaban Mo,” ang nag-iisang legal drama sa bansa, ang mga kwentong base sa totoong buhay na maaring kapulutan ng aral at kaalaman ng mga manonood tuwing Sabado. Bukod sa pagpapalabas nito ng makatotohanang episodes, nagbibigay din ito ng libreng legal advice linggo-linggo sa ABS-CBN Tulong Center sa Quezon City.
 
Huwag palampasin ang “Ipaglaban Mo” tuwing Sabado, pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.