ABS-CBN continues to be the choice of young Filipinos in South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, and General Santos (Soccksargen) after bagging the Best TV Station award at the 5th Aral Parangal of the Young Educators’ Convergence of Soccksargen (YECS).
Mga Kapamilya, tumanggap ng 21 na award mula sa Young Educators’ Convergence of Soccksargen…
Patuloy na mas pinipili ang ABS-CBN ng mga kabataan sa
South Cotabato,
Cotabato,
Sultan Kudarat,
Sarangani, at
General Santos (Soccksargen) pagkatapos itong kilalaning Best TV Station sa ika-limang Aral Parangal Awards ng Young Educators’ Convergence of Soccksargen (YECS).
Ito na ang ika-limang beses na tinanggap ng Kapamilya network ang pinakamataas na karangalang binibigay ng YECS, na nagbigay pa ng 20 pagkilala sa mga palabas at personalidad ng ABS-CBN ngayong taon.
Tinanghal na Best News Program ang “TV Patrol” habang nanalo naman ang mga anchor nitong sina Noli De Castro at Bernadette Sembrano bilang Best Male News Anchor at Best Female News Anchor. Kinilala naman ang “Matanglawin” na Best Educational Program at ang anchor nito na si Kim Atienza bilang Best Educational Program Host. Nagdala rin ng karangalan sa ABS-CBN Integrated News and Current Affairs ang “Umagang Kay Ganda” (Best Morning Show), “The Bottomline” (Best Public Affairs Program), at “Salamat Dok” (Best Public Service Program).
Samantala, nanguna naman ang Kapamilya stars na sina Coco Martin (Best TV Actor) at Angel Locsin (Best TV Actress) sa kategoryang entertainment, kung saan nagwagi rin si Kathryn Bernardo ng Movie Actress of the Year at Loveteam of the Year kasama ang kanyang partner na si Daniel Padilla. Tagumpay rin ang box-office hit na pelikula ni Kathryn na “Hello, Love, Goodbye,” na may pinakamalaking kita na lokal na pelikula sa kasaysayan ng Pilipinas, bilang Movie of the Year.
Kinilala din ng YECS sa ginanao na seremonya sa General Santos City ang mga sikat na programa ng ABS-CBN tulad ng “Kadenang Ginto” (Best Daytime TV Program), “It’s Showtime” (Best Entertainment Show), “The General’s Daughter” (Best Primetime TV Series) “Maalaala Mo Kaya” (Best Drama Anthology), at “Wansapanataym” (Best Values Oriented Show).
Para naman kumpletuhin ang listahan ng mga Kapamilyang nanalo sa ika-limang Aral Parangal Awards, ginawaran din ang TNT Boys ng Music Artist of the Year habang ang “Tagpuan” ni Moira Dela Torre ang tinanghal na Song of the Year.
Isang grupong kinikilala ng UNESCO ang YECS, na binubuo ng mga batang propesyunal na guro at estudyante ng edukasyon sa rehiyon. Adbokasiya nito ang pagpapayabong ng edukasyon para sa IP communities at ang kapayapaan at kaayusan sa Mindanao. Layunin naman ng Aral Parangal Awards na kilalanin ang husay ng mga network sa nakaraang taon, kung saan bumoto ang mga miyembre ng 22 eskwelahan sa ilalim ng samahan ng YECS.
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Instagram, at Twitter, o pumunta sa
abscbnpr.com