ABS-CBN got love from the students and the academe again after winning 14 citations in the 2019 ComGuild Media Awards last Sunday (September 29).
TV Patrol, kinilala bilang Program of the Year…
Muli na namang binigyan ng pagmamahal at pagkilala ng mga estudyante at paaralan ang ABS-CBN sa 2019 ComGuild Media Awards, kung saan nanalo ang Kapamilya network ng 14 awards noong Linggo (Setyembre 29).
Nanguna sa mga nanalo mula sa ABS-CBN Integrated News and Current Affairs ang “TV Patrol” na itinanghal na Program of the Year, habang nagwagi rin ang “Dos Por Dos” (Best AM Radio Program), “Matanglawin” (Best Educational Program), at “Umagang Kay Ganda” (Best Morning Show).
Pati mga premyadong broadcast journalist ng ABS-CBN ay tumanggap ng parangal sa pangunguna ng radio at TV anchor na si Julius Babao, na kinilala bilang Most Popular Television Personality of the Year. Ginawaran rin dahil sa kanilang husay na kanilang propesyon sa media sina Anthony Taberna ng “Dos Por Dos” (Best AM Radio Anchor), Dyan Castillejo ng “Sports U” (Best Lifestyle Program Host), Karen Davila ng “My Puhunan” (Best Magazine Show Host), at Kim Atienza ng “Matanglawin” (Best Educational Program Host).
Nanalo naman si Jeff Canoy bilang Best Male Field Reporter of the Year, samantalang Most Outstanding Male News Presenter of the Year at Most Outstanding Female News Presenter of the Year sina Alvin Elchico ng “TV Patrol Weekend” at Bernadette Sembrano ng “TV Patrol.” Para kumpletuhin ang mga nanalo para sa Kapamilya network, inuwi ng “The Bottomline,” ang Best Entertainment News Show, habang ang anchor nito na si Boy Abunda ang kinilala bilang Best Entertainment News Show Host.
Bago naman magsimula ang mga seremonyas, nagbigay ng isang talk si DZMM Radyo Patroller Zhander Cayabyab sa mga estudyanteng dumalo na pinamagatang "Reclaiming the future: Traditional media vs Digital media," na tumalakay sa mga nangyayari sa industriya ng media lalo na sa pagbabalita.
Idinaos ang ComGuild Media Awards sa Henry Lee Irwin Theater sa loob ng Ateneo De Manila University para sa taunan nitong pagkilala sa mga natatanging TV at radio news personalities at programs para sa kanilang mgaambag sa bayan. Pinagbobotohan ito ng mga estudyante mula sa 70 na eskwelahang miyembro nito.
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Instagram, at Twitter, o pumunta sa
abscbnpr.com