News Releases

English | Tagalog

Mga binagyo, patuloy na hinahatiran ng tulong ng Sagip Kapamilya

November 19, 2020 AT 11:23 AM

Typhoon victims continue to receive help through Sagip Kapamilya

While still serving victims of Typhoon Rolly, the group has also trooped to areas badly hit by Typhoon Ulysses, together with the ABS-CBN News Public Service Team, to deliver relief packs and provide hot meals for thousands of affected families.

ABS-CBN artists, kabi-kabila ang pagtulong sa mga biktima ng bagyo

Mula Bagyong Quinta hanggang Bagyong Ulysses, puspusan ang pagresponde ng Sagip Kapamilya ng ABS-CBN Foundation at ng ABS-CBN News Public Service Team sa mga lugar na malubhang nalubog sa baha matapos ang pananalasa ng Bagyong Ulysses.
 
Hindi pa rin tumitigil ang grupo sa paghahatid ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta sa iba-ibang parte ng bansa.
 
Sa kasagsagan ng bagyo noong Nobyembre 12, nagdala ng init ang bagong lutong lugaw mula sa Sagip Kapamilya Soup Kitchen sa mahigit 4,360 pamilya sa Bagong Silangan, Quezon City.
 
Mga 480 na bakwit naman sa J.P. Rizal, Makati ang tumanggap din ng hot meals noong Nobyembre 13. Nakapaghatid rin agad ang Sagip Kapamilya ng relief packs sa 1,165 na pamilya sa San Mateo, Rizal at 987 pamilya sa Rodriguez, Rizal. Tumulak din ang News Public Service team sa Montalban, Rizal upang mamahagi ng relief packs sa daan-daang pamilyang lumikas mula sa kanilang tahanan.
 
Sa Marikina, isang libong pamilyang tumutuloy pansamantala sa Nangka Elementary School at H. Bautista Elementary School ang nabigyan din ng relief goods at Mingo meals, habang 500 katao naman mula sa Leodegario Victorino ES Evacuation Center ang nahainan ng mainit na pagkain noong Nobyembre 14.
 
Maliban sa mga lugar na ito, tuloy-tuloy rin ang relief operations ng Sagip Kapamilya sa Albay, Batangas, at Quezon na lubos na naapektuhan ng Bagyong Rolly, salamat sa patuloy na suporta ng mga donor at partner ng ABS-CBN Foundation. 
 
Samantala, bukod sa kani-kanilang personal na pagaambag, nagsagawa rin ng mga fund-raising show ang iba-ibang Kapamilya para makalikom pa ng pondong pambili ng mga pangangailangan ng mga biktima ng bagyo. Kabilang dito ang “PBB Kumunect sa Pagtulong” ng ex-housemates ng “Pinoy Big Brother,” ang “RISE here, Right Now” #SagipKapamilyaUlysses Fundraiser ng RISE Artists Studio sa Kumu, at ang Star Hunt #SagipKapamilyaUlysses Fundraising event sa ABS-CBN Star Hunt Facebook Page.
 
Sa panayam sa kanya sa “Magandang Buhay,” muling nanawagan si Jen Santos, ang director for program operations ng ABS-CBN Foundation, sa bawat isa na tumulong sa kapwa Pilipino.
 
“Sa amin po na lahat ng klaseng tulong ay aming wine-welcome dahil alam po namin na galing po 'yan sa mga puso ng ating mga Kapamilya.”
 
Inirekomenda rin niya ang cash donation dahil bukod sa mas ligtas ito ngayong may pandemya, napabibilis din nito ang kanilang operasyon dahil bumibili na lang sila ng mga ilalagay sa relief pack sa mismong mga lugar na apektado, kabilang sa mga magsasaka roon.
 
Gayunpaman, tumatanggap pa rin sila ng mga in-kind donations tulad ng bigas, canned goods, tubig, kumot, at hygiene kits na kailangangang-kailangan ng mga biktima ng bagyo.
 
Para sa impormasyon kung paano makatulong, bumisita sa abs-cbnfoundation.com, o i-follow ang ABS-CBN Foundation (@abscbnfoundationinc) sa Facebook. Para sa updates, sundan ang ABS-CBNPR (@abscbnpr) sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom