Nag-uumapaw ang sayang naramdaman ng newly-wed couple na sina Maria Theresa Tabilog at Mario Fuentes Jr. nang malamang may naghihintay sa kanilang magarbong Valentine treat matapos sumali sa Valentine’s promo ng Cinemo na “Masaya Feb Kapaling Ka.”
Wala talaga silang planong magcelebrate ng Valentine’s Day lalo pa at kakatapos lang nila magpakasal. “Sobrang saya kasi wala naman kaming plano ngayong Valentine’s day kasi tight yung budget namin at may anak pa kami,” sabi ni Maria.
Isa lang si Maria sa walong winners na nanalo sa promo ng CineMo. Bukod kay Maria, nanalo rin ang subscribers na sina Rubie Anne Cabautan,Jeffrey Guillermo, Mark Anthony Gonzales, Jonabelle Canonoy, Reydha Maranan, Eden Baloloy, Ricalyn Valencia. Kasama ang kani-kanilang partners, masarap na pananghalian sa Impressions Restaurant, movie date sa Resorts World Cinemas, at overnight stay sa Holiday Inn Express noong Pebrero 16 ang kanilang napanalunan.
Kwento naman ni Mario, simula nang lumabas ang ABS-CBN TVplus ay agad silang bumili nito. Maituturing nilang bonding experience ang panonood nila ng mga movies sa Cinemo.
“Pag-uwi galing work, hilig kong panoorin ang mga pelikula nina Fernando Poe Jr. at Rudy Fernandez o kaya tuwing umaga bonding din siya ng pamilya bago pumasok sa work.”
Ang Cinemo ay isang all-day movie channel ng ABS-CBN TVplus, ang pinaka-unang digital television service sa bansa. Handog ng Cinemo ang action-packed and comedy filled movies at series, pati na ang horror, sexy, at fantasy genres mapa-local o international pa para sa kanilang viewers.
Sa karagdagang impormasyon tungkol sa Cinemo, maaring bisitahin ang kanilang Facebook page o ang ABS-CBN TVplus Facebook fan page.