News Releases

English | Tagalog

Mga dokumentaryo ng ABS-CBN, nagwagi sa U.S. Int'l Film & Video Festival

June 11, 2020 AT 11:34 AM

ABS-CBN documentaries win seven awards at U.S. Int'l Film & Video Festival

Catch these award-winning documentaries on iWant and follow DocuCentral on Facebook, Twitter, and Instagram.

Panalo ng pitong parangal sa U.S. International Film & Video Festival ngayong taon ang mga dokumentaryo ng ABS-CBN tungkol sa mga kahanga-hangang Pilipino at mga isyu sa lipunan.
 
Pinarangalan ng Silver Screen award ang “Mga Kwento ng Klima,” “Genuine Love,” “Radical Love,” “Alab,” and “Local Legends: Glass Sculptor.” Habang binigyan din ng sertipiko ang “Local Legends: Glass Sculptor” at “Ang Babae ng Balangiga.”
 
Gawa ang lahat ng mga dokumentaryo nito ng ABS-CBN DocuCentral, isang grupo sa ilalim ng ABS-CBN Integrated News and Current Affairs.
 
Tungkol ang “Mga Kwento ng Klima,” isang produksyon kaisa ang Oscar M. Lopez Center, sa karanasan ng mga nakaligtas sa kalamidad tulad nung bagyong Ondoy at Yolanda, at kung ano ang ginagawa ng mga eksperto at komunidad para masolusyunan ang krisis sa klima.
 
Ibinahagi naman ng “Genuine Love” ang buhay ni Gina Lopez, ang dating pinuno ng ABS-CBN Foundation, na inalay niya sa paglilingkod sa publiko.
 
Sa “Radical Love” naman, ipinakita ang pinagdaanan ng aktres na si Cherry Pie Picache bago humantong sa desisyon na patawarin ang pumatay sa kanyang ina.
 
Samantala, nagbahagi naman ng aral sa mga sakripisyo at katapangan ng volunteer firefighters ang “Alab,” na ipinalabas noong Fire Prevention month sa bansa.
 
Ang proseso sa paglikha ng alagad ng sining na si Ramon Orlina ang tinalakay sa “Glass Sculptor,” habang ang kabayanihang ipinakita ni Casiana Nacionales sa isang sagupaan noong 1901 ang tampok sa “Ang Babae ng Balangiga.”
 
Mahigit 50 taon nang kinikilala ng U.S. International Film & Video Festival ang husay sa paglikha sa pelikula at video production.
 
Mapapanood pa ang mga premyadong dokumentaryong ito sa iWant. Sundan din ang DocuCentral sa Facebook, Twitter, at Instagram. Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.