News Releases

English | Tagalog

Dating ABS-CBN GM: binawi ng ABS-CBN ang network mula kay Marcos

June 17, 2020 AT 07:38 PM

ABS-CBN former GM:  ABS-CBN “took back” network from Marcos

ABS-CBN vice chairman Augusto “Jake” Almeda-Lopez asserted they “took back” control of the network that was taken away from them during martial law in 1972, debunking allegations that it was returned to them by the Aquino administration.

Hindi basta ibinalik ng Aquino administration
 
Iginiit ni ABS-CBN vice chairman Augusto “Jake” Almeda-Lopez na binawi nila ang kontrol sa network, na kinuha sa kanila noong martial law noong 1972, at hindi ito basta ibinalik sa kanila ng administrasyong Aquino.
 
“Hindi sinauli sa amin ng Marcos ang istasyon, nakuha namin sa aming sariling sikap kasama ‘yung forces ni Enrile at Ramos,” ani Almeda-Lopez, na humarap sa mga mambabatas sa ika-pitong pagdinig para sa aplikasyon ng prangkisa ngayong araw (Hunyo 17).
 
Inalala ni Almeda-Lopez, na dating general manager ng ABS-CBN, kung paano lumahok sa isang arbitrasyon ang ABS-CBN at gobyerno upang maibalik ng maayos ang mga pasilidad nito pagkatapos ng EDSA Revolution.
 
Aniya, nais ng panig ng Malacanang at ng mga Lopez na isang neutral body ang magreresolba sa problema.
 
Ipinagtanggol din niya ang pagbayad ng P97.5 million ng administrasyon ni dating Pangulong Corazon Aquino sa ABS-CBN para sa paggamit ng gobyerno sa mga pasilidad ng ABS-CBN nung ito ay dumadaan pa sa isang transisyon.
 
“’Yung P1.2 million (monthly payment) that is just a token amount. Bukod sa maliit na mallit yung sinulat namin, pumayag nalang kami. Kung anong gusto niyo, papayag na lang kami. Pero walang cash. Hindi sila magbabayad. Sabi namin, okay alam naman namin walang maibabayad ang Cory government, bagong bagong pasok lang,” ika niya.
 
Samantala, iginiit din ni Rep. Edcel Lagman na hindi isyu ang pagmamay-ari ng Lopez sa ABS-CBN. Paalala niya, ipinagtibay na ng mga korte ang pagbabalik ng network sa mga Lopez at walang nag-kwestyon sa mga desisyong ito sa nakalipas na 30 taon.
 
Dagdag pa niya, natapos na ang debate sa usaping ito nang naging batas ang Republic Act 7966 noong Marso 13, 1995 na nagbibigay sa ABS-CBN Broadcasting Corporation ng 25-year franchise.
 
Nilinaw rin ni ABS-CBN president at chief executive officer Carlo Katigbak na walang utang na renta ang ABS-CBN sa Presidential Commission on Good Government (PCGG) para sa paggamit nito ng pasilidad ng BBC, isang sequestered property, nung bumalik sa ere ang ABS-CBN noong 1986.
 
Aniya, naresolba na ito sa pamamagitan ng compromise agreement sa pagitan ng gobyerno at ng ABS-CBN na siyang buo at pinal na kasunduan sa pagitan ng dalawang panig.
 
Noong pagdinig noong Hunyo 15, sinabi rin ng Department of Justice (DOJ) at PCGG na mula sa perspektibo ng batas, ang compromise agreement ng Aquino administration at ABS-CBN ay ligal.
 
-30-

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE