Discover more about the story of Kritiko’s forbidden love narrative in “PM,” out now on digital streaming services.
Inilabas na ng rapper-composer na si Kritiko ang pinakabago niyang single na "PM," ang ikalawa sa serye ng tatlong orihinal na mga awitin niya tungkol sa bawal na pag-ibig.
Ang pamagat ng kanta na "PM" ay abbreviation ng mga salitang 'private message' na tumatalakay sa matinding pangungulila sa isang tao at pag-ako sa isang kasalanan. Upbeat ang instrumental na ginamit sa rap song na siguradong magugustuhan ng mga makikinig dito.
"Itong 'PM' para sa'kin isa siyang modern story song. Isang kantang may sensitibong laman, 'di tanggap ng lipunan pero nangyayari sa tunay na buhay," paliwanag ni Kritiko.
Sinusundan ng "PM" ang “AMAZAK,” na siyang nagsimula ng trilogy rap-love songs at na-feature sa “New Music Friday” at “Pinoy Rap” playlists ng Spotify Philippines. Pinakamarami rin ang mga nakinig ng kanta sa Amerika, Canada, Singapore, at United Arab Emirates. Kabilang ang “AMAZAK” at “PM” sa debut EP ni Kritiko mula sa Star Music na malapit nang i-release.
Ilan sa mga naging song collaboration niya ay ang “Kababata” kasama si Kyla na nanalo ng 3rd Best Song sa 2018 Himig Handog songwriting competition; “Raise Your Flag” kasama si KZ; at ang remix ng “Do You Wanna Dance with Me” kasama sina Ogie Alcasid at Inigo Pascual.
Alamin ang kasunod ng kwento ng bawal na pag-ibig ni Kritiko sa "PM" na mapapakinggan na sa iba't ibang
digital streaming services. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (
www.facebook.com/starmusicph), at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).