News Releases

English | Tagalog

Katotohanan sa pagkatao nina Heaven at Barbie, nabunyag na sa "Bagong Umaga"

January 24, 2021 AT 12:01 PM

Nabunyag na ang katotohanan sa pagkatao nina Tisay (Heaven Peralejo) at Cai (Barbie Imperial) nitong nakaraang linggo sa “Bagong Umaga”—nakumpirma ni Ian (Cris Villanueva) na ang una ang tunay niyang anak at si Cai naman ang anak nila Jose (Keempee de Leon at Monica (Nikki Valdez).  

 

Una nang kinutuban si Ian matapos sabihan ng ina na si Hilda (Rio Locsin) na pinagpalit ni Diana (Glydel Mercado) ang mga anak ng dalawang pamilya. Nalaman naman ni Ian na may katotohanang dito matapos dumating na positibo ang paternity test na kanyang kinuha.  

 

Hindi nagtagal, nalaman na rin ni Tisay ang katotohanan matapos kumprontahin si Diana. Hindi man diretsong inamin ni Diana, hinamon nito si Tisay kung kaya niyang sikmurahin ang ipagpalit ang kanyang kinalakihang pamilya para maging isang Veradona.   

  

Bagamat masaklap ang natuklasang sikreto, naging bukas na ang loob ni Tisay para humingi ng tulong kay Cai dahil ito na lang ang makakatulong para mapagaling ang ina.  

 

Malapit na rin kayang malaman ni Cai ang katotohanan? Paano kaya niya tatanggapin ito?

 

Hindi naman napigilan ng ilang netizens na mag-react matapos matunghayan ang pagbubunyag ng mg katotohanan sa serye. 

“Sobrang honest. Iba ang prinsipyo nang mga Magbanua talaga, kahit masakit sa kanila eh talagang hinarap nila ang katotohanan considering pa din kung ano mararamdaman nang bawat isa. @hperalejo @nikkivaldez_ @YourYvesFlores,” sabi ni@PhilJieASH. 

“Napanuod ko na sa advance EP pero bakit ganon pa din iyak ko huhu naubos ko ung isang roll ng tissue sayo Tisay, Nanay Monica,at Tatay Jose Sakit sa dibdib. Sana All ganyan ang pamilya meron ang bawat tao,” ayon kay @borromeo0601 

Samantala, manghang-mangha ang netziens at manonood sa Pinakitang galing ni Heaven sa serye.  

 

“Heaven Peralejo, a newbie, can act like this? I am thrilled to see what else she can do! She can do justice to every scene and probably to every role she would get!#BUBiologicalDaughter,” ayon kay @itsmeTetP. 

“Di ko ata ma imagine kung sakin nangyari to. At ang galing galing ng pag-act ni @hperalejo. Napalabas nya yung tipong gulong gulo ka dahil yung pamilyang kinalakhan mo hindi mo pala tunay na kadugo,” sabi ni @HPnambawan. 

Huwag palampasin ang ang mga susunod na tagpo sa “Bagong Umaga,” na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 2:30 PM sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa). 

 

Available din ito sa A2Z channel 11, na   mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga. Maaari rin itong mapanood sa iba’t ibang cable TV at satellite TV providers sa buong bansa. Ito rin ay na sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWant app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel. 

 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom