Filipino consumers continue to trust ABS-CBN as the company wins its fifth consecutive Platinum Brand Award at the prestigious Reader’s Digest Trusted Brands 2020, while “It’s Showtime” host Vice Ganda was hailed as Most Trusted Entertainment/Variety Presenter.
Vice, pinagkakatiwalaan pa rin ng madlang pipol
Mapagkakatiwalaan at maaasahan para sa mga Pilipino ang ABS-CBN, na muling pinarangalan ng Platinum Brand Award sa Reader’s Digest Trusted Brands 2020 habang Most Trusted Entertainment/Variety Presenter naman ang “It’s Showtime” host na si Vice Ganda.
Ito ang ikalimang sunod na taon na ginawaran ang Kapamilya network ng parangal na ito, na naka-base sa survey na isinagawa ng tanyag na international magazine kung saan libo-libong Pilipino ang bumoto base sa tiwala, kredibilidad, kalidad, halaga, inobasyon, at serbisyo ng mga kumpanya at personalidad.
Sa virtual awarding ceremony na inilathala sa website ng Reader’s Digest nitong Huwebes (Enero 28), sinabi ni ABS-CBN Integrated Marketing and Consumer Experience head na si Cookie Bartolome na magsisilbing inspirasyon ang karangalang natanggap para mas pagbutihin pa ng network ang paglilingkod sa mga Pilipino.
"For the past 67 years, ABS-CBN’s mission is to be in the service of the Filipino, and to be voted as a trusted brand is a testament of how through our brand of service we’ve earned the trust and support of millions of Filipinos that we have served. This award also serves both as a reminder and an inspiration of how at all times we should give our best and most meaningful service to inspire and uplift Filipinos wherever they may be," pahayag ni Bartolome.
Samantala, buo pa rin ang tiwala ng madlang pipol kay Vice Ganda na muling kinilala para sa kanyang pagbibigay saya at inspirasyon sa mga Pilipino.
“I am so grateful that you appreciate my work as an entertainer. God bless you guys,” ani Vice na nanalo rin sa parehong kategorya noong nakaraang taon.
Nagsimula ang Reader’s Digest Trusted Brands Awards noong 1998. Patuloy nitong inaalam ang pamantayan ng karamihan sa pagpili ng serbisyo sa pamamagitan ng pakikipagusap sa mga tao tungkol sa mga tatak na pinagkakatiwalaan nila.
Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.