News Releases

English | Tagalog

Sino kina Benedix, Chie, Eian at KD ang susunod kay Albie są paglabas są “PBB Kumunity?”

November 16, 2021 AT 06:51 PM

Tuluyan nang namaalam sa bahay ni Kuya ang celebrity housemate na si Albie Casino noong Sabado (Nobyembre 13) matapos makakuha ng pinakamababang boto sa outside world sa “PBB Kumunity Season 10” Celebrity Edition.

 

Nakakuha ang “Pilyong Hunk-tor ng Quezon City” ng 6.48% ng pinagsamang save at evict votes, habang nasalba naman ang kapwa housemates niyang mga nominado na sina Alexa Ilacad (17.09%), KD Estrada (16.08%), at Anji Salvacion (8.46%).

 

Nagpasalamat si Albie kay Kuya sa oportunidad na maging celebrity housemate niya ngayong season at hindi raw niya malilimutan ang lahat ng aral na natutuhan sa loob ng maikling panahon sa “PBB” house. Ibinahagi niya ang kanyang kondisyon na ADHD (attention deficit hyperactivity disorder) at dahil sa kanyang pagbabahagi nito, napalaganap ang kaalaman nito sa mga manonood at mas nakilala siya ng lubusan. 

 

Samantala, maaari ring mapalabas sa bahay ni Kuya sina Benedix Ramos, Chie Filomeno, Eian Rances, at KD Estrada matapos makakuha ng pinakamaraming boto para sa gagawing pangatlong eviction night sa Sabado (Nobyembre 20). Para bumoto via SMS, i-text ang BBS <name of housemate> o BBE <name of housemate> at i-send sa 2366. Para bumoto sa Kumu, pumunta sa Kumu Campaigns at pillin ang “vote to save” (https://app.kumu.ph/VotetoSave) o “vote to evict” ( https://app.kumu.ph/VotetoEvict). 

 

Magiging ligtas naman sa fourth nomination night sa Linggo (Nobyembre 21) sina Madam Inutz at Samantha Bernardo matapos makuha ang immunity sa pagkapanalo nila sa ginawang Head of Household challenge.

 

Ngayong linggo, magkakaroon ang celebrity housemates ng “Pinoy Big Brother Games 2021” kung saan team captains sina Alyssa Valdez, Benedix Ramos, at Jordan Andrews. Team members ni Alyssa sina Kyle, Chie, Alexa, at KD, habang magka grupo sina Benedix, Brenda, Eian, Karen, at TJ. Magkasama naman sa isang team sina Jordan, Shanaia, Anji, Madam Inutz, at Samantha.

 

Kaninong team kaya ang magtatagumpay? Abangan sa “PBB Kumunity Season 10” Celebrity Edition sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWantTFC, at TFC tuwing 5:45 pm mula Lunes hanggang Biyernes at ang replay nito tuwing 11:10 pm ng gabi. Eere naman ito tuwing 7 pm kada Sabado at Linggo. Samantala, mapapanood ang 24/7 livestream ng “PBB Kumunity” sa Kumu.   

 

Bukas pa rin ang online auditions para sa “PBB Kumunity Teen Edition.” Iniimbitahan ni Kuya ang lahat ng 15 hanggang 19 anyos na kabataang Pinoy na magpadala ng kanilang audition video. I-download ang Kumu at i-post o i-record ang audition video via Kumu klips, i-post ang video sa Kumu timeline gamit ang #PBBKUMUTEENS, i-share ito sa social media gamit pa rin ang #PBBKUMUTEENS, at i-fill out ang parental consent form sa (forms.abs-cbn.com/PBBKumuTeens). Hanggang Disyembre 31 ang audition period.

   

Para sa updates at iba pang anunsyo mula kay Kuya, tutok lang sa “PBB Kumulitan” online show sa Kumu at Facebook kasama sina Bianca Gonzalez, Enchong Dee, at Melai Cantiveros tuwing 5:30 pm mula Lunes hanggang Biyernes at kasama si Sky Quizon tuwing 6:30 pm ng weekend. May “Kumunity G sa Gabi” rin mula Lunes hanggang Biyernes sa Kumu kasama si Robi Domingo.  I-follow din ang @pbbabscbntv sa Facebook at Instagram at @pbbabscbn sa Twitter at kumu.  Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.