News Releases

English | Tagalog

CocoJul maangas sa bagong "FPJAP" poster, naghamunan sa unang pagkikita

November 16, 2021 AT 11:25 AM

Coco and Julia clash in first meeting in "FPJ's Ang Probinsyano," featured in series' new official poster

Cardo and Mara finally came face-to-face for the very first time! Will Cardo be able to trust Mara and her clan?

Muling nagtala ng all-time high views sa YouTube!

Naglabas ng bagong official poster ang “FPJ’s Ang Probinsyano” tampok sina Coco Martin at Julia Montes kasunod ng unang pagkikita ng mga karakter nilang sina Cardo at Mara. Muli ring nagtala ang action-drama series ng all-time high live views sa YouTube kagabi (Nobyembre 15).

Tinawag na mala-Hollywood ng fans ang naturang poster kung saan nakikitang nakasakay sa isang motor ang dalawa habang nakaakbay si Julia kay Coco at pareho silang may hawak-hawak na baril.

Sa unang pagkikita nina Cardo at Mara, umabot din sa tutukan ng baril ang pinakahihintay na pagtatagpo ng dalawa habang nagkakagulo ang kani-kanilang mga grupo dahil sa pag-atake sa kanila ng mga pulis.

Sa pagpapatuloy ng kwento ngayong linggo, delikado ang lagay ng mga grupo nina Cardo at Mara dahil napapalibutan sila ng mga pulis sa lugar kung saan hostage ni Mara ang mayamang negosyanteng si Don Ignacio (Tommy Abuel). Dahil pareho nilang gustong takasan ang mga kalaban na humahabol sa kanila, aalukin ni Armando (John Estrada), ang lider ng grupo ni Mara, si Cardo na makipagsanib-pwersa at tuluyan nang pabagsakin ang lahat ng kanilang mga kaaway.

Mapagkakatiwalaan kaya ni Cardo at ng Task Force Agila ang grupo ni Mara?

Tinutukan naman ng mga manonood ang madugong bakbakan sa serye dahil nagtala ito ng panibagong live viewership record sa Kapamilya Online Live sa YouTube, kung saan nagtala ng all-time high na 169,000 live concurrent viewers ang episode nito kagabi (Nobyembre 15).

Tuloy-tuloy pa rin ang selebrasyon ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ng ikaanim nitong anibersaryo ngayong taon dahil pagkatapos ianunsiyo ang pagkakasama sa cast ni Megastar Sharon Cuneta, nagdiwang din ang buong cast sa “ASAP Natin ‘To” at “Magandang Buhay” noong nakaraang linggo.

Huwag palampasin ang “FPJ’s Ang Probinsyano” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “FPJ’s Ang Probinsyano.” 

Mapapanood din sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV ang “FPJ’s Ang Probinsyano,” na nanguna sa listahan ng mga pinakapinapanood na TV programs sa multicultural Asian homes sa U.S. noong Setyembre. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.