Live na live muli ang "ASAP Natin 'To" para sa isa nanamang maagang pamasko mula sa mga paborito ninyong Kapamilya idol, tampok ang kilig duets ng tambalang DonBelle at SethDrea, ang engrandeng pagbabalik ni Martin Nievera, at iba pa ngayong Linggo (Disyembre 5) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Magpapakilig muli ang "Love is Color Blind" tambalan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, pati ang "Saying Goodbye" loveteam nina Seth Fedelin at Andrea Brillantes para sa kani-kanilang mga tandem performance, habang hindi rin pahuhuli sa ASAP stage ang "Love at First Stream" stars na sina Kaori Oinuma, Jeremiah Lisbo, Daniela Stranner, at Anthony Jennings.
May pa-aguinaldo namang kantahan at sayawan ang inyong "ASAP Natin 'To" family, kasama sina Janine Gutierrez, Francine Diaz, Robi Domingo, Jayda, Klarisse de Guzman, Ronnie Alonte, Jeremy Glinoga, Joao Cosntancia, Jin Macapagal, Janella Salvador, Enchong Dee, at iba pa. Maki-hataw rin sa K-Pop sayawan nina Maymay Entrata, Loisa Andalio, Kyle Echarri, at AC Bonifacio.
Todo-todo pa rin ang kantahan ngayng Linggo, tampok ang New Gen Birit duets nina Sheena Belarmino, JM Yosures, Lara Maigue, Sam Mangubat, Elha Nympha, and Reiven Umali; Adele kantahan mula kina Zsa Zsa Padilla, Nina, at Regine Velasquez; isang musical tribute para kay Heber Bartolome kasama sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Jed Madela, Jason Dy, at Nyoy Volante; pati ang pagbabalik-ASAP ni Concert King Martin Nievera kasama si Darren.
At huwag palampasin ang Christmas classics biritan nina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Morisette, Zsa Zsa Padilla, Martin Nievera, at Regine Velasquez sa "The Greatest Showdown."
Bonggang-bongga ang panimula ng Disyembre kasama ang longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," live na live ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.