News Releases

English | Tagalog

Air Supply, puring-puri sa "All Out Of Love" remake nina Inigo at Moophs

February 11, 2021 AT 05:27 PM

Inigo and Moophs' "All Out Of Love" has " great production, great sound," says Air Supply

“All Out Of Love” is just the first in Tarsier Records’ series of Air Supply remakes that will be spread out this 2021.

Pinoy fans ng Air Supply, iniimbitahan sa nalalapit na “Love Letters” concert

May “great production” at “great sound” daw ang “All Out Of Love” remake nina Inigo Pascual at Moophs ayon sa Air Supply na binubuo nina Graham Russell at Russell Hitchcock.

Inawit ni Inigo ang ilang bahagi ng kanta sa “All Out Of Love” virtual media conference ng Tarsier Records at muling napabilib si Graham sa bagong rendisyon ng kanta. Aniya, “That blows my mind! What a beautiful voice you got and the vibrato is so natural. You’ve been given a great gift and I hope throughout your career you’ll share it with the world.” 

Samantala, kinwento naman ni Inigo kung ano ang halaga ng “All Out Of Love” para sa kanya. Sabi niya, “This is definitely one of my favorite songs from Air Supply. I guess a lot of people can relate to it right now because many people don't have Valentine's dates this year.” 

Natuwa naman si Russell sa pagiging tapat ng reimagined “All Out Of Love” version sa tunay na mensahe ng awitin. “The fact that it’s true to its essence in the way Graham wrote it is another great tribute to the song. That’s the way I want to hear it,” ani Russell.

Nakatakda nang maganap ang virtual concert ng Air Supply na pinamagatang “Love Letters” live mula sa Florida Theater sa Amerika sa Valentine’s Day (Pebrero 15 sa Pilipinas) at iniimbitahan nila ang kanilang Pinoy fans na abangan ang show kung saan may ipaparinig silang mga bagong kanta.

Ang awiting “All Out Of Love” ang una sa series ng Air Supply remake na gagawin ng Tarsier Records ngayong 2021. “You can expect a few more remakes by different artists and then we’ll compile them into an album at the end of the year,” ani Moophs.  

Nakasentro ang pop reimagination ng 1980 classic sa emosyong nararamdaman ng iniwan ng minamahal na may tunog trap ballad gamit ang gitara.

Ang “All Out Of Love” na nga ang pinakabagong collaboration nina Inigo at Moophs, na nasa likod din ng dancehall-pop tune na “Always,” na naging bahagi ng “The 100 Best Songs of 2020” ng Apple Music. Sila rin ang nasa likod ng awiting “Catching Feelings,” na mayroon nang higit sa 10 million streams sa Spotify at 100K dance challenge entries sa iba’t ibang social media platforms.

Patuloy si Inigo sa pagtataguyod ng kanyang musika sa international stage lalo na’t inaabangan ang ilalabas niyang “Options” album ngayong taon na nagtatampok sa mga kolaborasyon niya sa ilang foreign artists.

Samantala, ipinagdiwang naman ng Air Supply ang kanilang ika-45 taon sa industriya noong 2020. Bukod sa “All Out Of Love,” sila rin ang nagpasikat ng mga kantang “Making Love Out Of Nothing At All,” “Lost In Love,” “Two Less Lonely People,” at “Just As I Am” sa buong mundo.

Mapaibig muli sa Air Supply classic na “All Out Of Love” sa latest remake nito hatid nina Inigo at Moophs. Para sa updates, sundan ang Tarsier Records sa social media accounts nito @tarsierrecords.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE