In the next episode of the U.S. crime drama series, Alex and Filipino cop Ernesto Alamares (Art Acuña) will run into a group of mobsters that are terrorizing local street-food vendors. Watch the two go undercover once again to capture the thugs wreaking havoc in the community on Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, and iWantTFC.
Zsa Zsa, nilarang bakasi, at balut, tampok sa susunod na episode
Tuloy ang pagtugis ng dating secret agent na si Alex Walker sa mga kriminal sa U.S. crime drama series na “Almost Paradise” ngayong Linggo (Abril 4) ng 8:45 pm sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWantTFC.
Sa parating na episode, masasaksihan mismo ni Alex (Christian Kane) ang panggugulo at pananakot ng isang grupo sa mga street food vendor. Ito ay matapos niyang subukan ang nilarang bakasi at balut kasama ang kaibigang Pilipinong pulis na si detective Ernesto Alamares (Art Acuña).
Para matigil ang pananamantala ng mga ito, muling maga-undercover ang dalawa na magkatulong din sa paghuli ng mga bigtime na drug smuggler at human trafficker sa unang dalawang episode.
Samantala, mayroon namang madidiskubre ang kapwa detective ni Ernesto na si Kai Mendoza (Sam Richelle) sa isa nilang katrabaho, matapos ma-assign bilang security ni Governor Nina Rosales, na ginagampanan naman ni Zsa Zsa Padilla.
Bukod kay Zsa Zsa, mapapanood din sa episode ng kauna-unahang U.S. series na kinuhanan ng buo sa Pilipinas ang iba pang Pilipinong aktor tulad na sina Nonie Buencamino, Lou Veloso, Michael Roy Jornales, Eric Tai, Zeppi Borromeo, at Ricci Chan.
Mula nang unang ipalabas noong Marso 21 sa Kapamilya Channel, umani na ng papuri ang “Almost Paradise,” isang produksyon ng Electric Entertainment at ABS-CBN. Tampok sa pang-Hollywood na programang ito ang all-star Filipino cast habang puro Pilipino rin ang production crew nito.
Sabi ni @shannecuevo sa Twitter, “Bihira lang ako ma-amaze sa Fil. Series. ‘Tong Almost Paradise ng ABS-CBN, first aired pa lang today pero ang angas na. Good choice of artists din para gumanap sa mga roles. Ang gagaling!”
Dagdag ni @Nairam881, “Yung Almost Paradise ang ganda… Galing ng ABS-CBN almost 70% ng series is directed by a Filipino director nashowcase talaga ang Filipino talent.”
Tampok sa “Almost Paradise” ang kwento ng isang retiradong U.S. DEA agent na nais magsimula ng bago at tahimik na buhay sa Pilipinas bilang gift shop owner. Mababalik siya sa dating gawi upang makatulong sa paghuli sa malalaking kriminal na mapapadpad sa paraisong kanyang ngayong tinitirhan.
Magtagumpay kaya sina Alex, Ernesto, at Kai sa kanilang mga bagong misyon? Abangan sa isa na namang maaksyong episode ng “Almost Paradise,” 8:45 pm ng Linggo (Abril 4) sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL), at iWantTFC. Mapapanood rin ng paulit-ulit ang pinakabagong episode ng libre sa loob ng pitong araw sa KOL. I-follow @AlmostParadiseTV at @AlmostParadisePH sa Facebook. Sundan din ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.