News Releases

English | Tagalog

“Danger” ni Inigo, umeere sa sikat na us radio station

May 17, 2021 AT 03:30 PM

Inigo’s “Danger” premieres on top US radio station

The Tarsier Records single premiered on KIIS FM, which is under the US’ top radio streaming service iHeartRadio, last May 14.

#DangerDanceChallenge umarangkada na sa TikTok
 
Napapakinggan na sa kilalang radio station sa Amerika na 1027 KIIS FM ang bagong labas na “Danger” single ng Filipino pop star na si Inigo Pascual kasama ang Grammy-nominated Fil-Am producer na si DJ Flict at island reggae legends na Common Kings.
 
Ani Inigo, “First time hearing myself on @1027kiisfm. I used to dream about this moment. Di ako makapaniwala na narinig ko ang kanta sa LA radio!”
 

Inalay rin niya para sa OPM ang maagang tagumpay ng summer anthem na tungkol sa pagkakagusto ng isang lalaki sa isang palaban na babae. Unang napakinggan ito noong May 14 sa KIIS FM na kabilang sa top radio streaming service ng US na iHeartRadio.
 
Samantala, sinimulan na rin ni Inigo ang #DangerDanceChallenge sa TikTok para anyayahan ang fans na sumayaw sa tunog ng bagong island pop track.
 

Kaabang-abang din ang “Danger” music video na mapapanood na sa Tarsier Records YouTube channel simula Biyernes (May 21).
 
Bahagi ang “Danger” ng kauna-unahang international album ni Inigo na “Options” na ilulunsad na sa darating na June 25 (Biyernes). Para sa updates, sundan ang Tarsier Records sa social media accounts nito @tarsierrecords.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE