News Releases

English | Tagalog

“Tama Ko’y Mali” EP ni Kritiko, tungkol sa bawal na relasyon

June 04, 2021 AT 06:01 PM

Kritiko drops debut EP “Tama Ko’y Mali”

The mini album was crafted with the overarching theme of how sometimes, love can be dangerously right at the wrong time.

Buo na ang kwento tungkol sa bawal na relasyon ng rap artist na si Kritiko sa bagong labas na extended play (EP) niyang “Tama Ko’y Mali” mula sa Star Music.
 
Isinulat ni Kritiko ang lahat ng kanta sa kanyang debut mini album na tumatalakay sa realidad na kung minsan, dumarating ang tamang tao sa maling panahon.
 
“Isa lang ang pinakagusto kong ibigay na mensahe: hindi masamang umibig o magmahal. Pero kung sa umpisa pa lang alam mong may masasaktang iba dahil sa pag-ibig na papasukin mo, habang maaga pa umatras ka na, kasi sa dulo masasaktan ka na, mali ka pa,” paliwanag niya.
 
Dahil sensitibo ang tema ng mga kanta niya sa EP, sinabi ni Kritiko na importanteng malaman kung mali ba ang isang relasyon at matuto na iwan ito para hindi na mabigo o makasakit ng ibang tao.
 

Ang key track ng EP na “2AM” ang huli sa trilogy niya ng mga kanta tungkol sa bawal na relasyon kasama ang mga nauna niyang single na ini-release noong 2020 na “AMAZAK” at “PM.”  Kasama rin sa EP ang mga kantang “Bakit Ikaw” at “Kahit Di Tayo.”
 
Kasabay din ng pag-release sa “Tama Ko’y Mali” EP ang back-to-back music videos ng “PM” at “2AM.”
 

Nitong 2021, nanalo uli si Kritiko sa HIMIG 11th Edition bilang isa sa interpreters ng 4th Best Song na “Ang Hirap Maging Mahirap” na kinompose ni Kenneth Reodica. Una siyang nanalo sa songwriting competition bilang composer noong 2018 para sa kantang “Kababata.”
 
Pakinggan ang “Tama Ko’y Mali” EP ni Kritiko sa iba’t ibang digital music streaming services! Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE