“Araw Mo,” unang Tagalog song collab nina Inigo at Moophs
May good vibes na hatid ang bagong kantang pinagsamahan nina Inigo Pascual at Moophs— ang kanilang unang all-Filipino song na “Araw Mo.”
Mapapakinggan na simula Biyernes (July 23) ang “Araw Mo” na tungkol sa pag-asa sa hinaharap at sa pagmamahal na naghatid ng nasabing pag-asa.
May hatid na passion at excitement ang pag-awit ni Inigo ng bagong Tarsier Records release na naglalahad ng mensahe na, "Ito ang araw mo (This is your day)!"
Samantala, ibinahagi naman ni Moophs na excited siya sa proyekto dahil sa unang pagkakataon ay gumawa siya ng Tagalog song para kay Inigo.
“I’m glad Inigo picked me to produce this for him. I don’t usually do Tagalog songs so this was cool to do,” ani Moophs. “It made me try some things in the music that I wouldn’t normally do and I was able to channel OPM vibes a bit more deliberately.”
Bukod kay Inigo, nakipag-collab din si Moophs ngayong taon sa iba’t ibang OPM artists, tulad nina Bugoy Drilon para sa awiting “Tied” at “Shipwrecked” at GIBBS para sa 70s pop-rock song na “Angel Baby.”
Kamakailan naman ay inilunsad ni Inigo ang kanyang first international album na “Options,” tampok ang ilang kolaborasyon nila ni Moophs tulad ng “Catching Feelings” at “Always.”
Ikalap ang good vibes sa pamamagitan ng “Araw Mo” na mapapakinggan sa iba’t ibang digital music platforms simula Biyernes (July 23). Para sa updates, sundan ang Tarsier Records sa socials media accounts nito @tarsierrecords.