News Releases

English | Tagalog

“Panaginip” ni Brian Gazmen hugot ng isang brokenhearted

August 25, 2021 AT 11:23 AM

Brian Gazmen releases heartbreak song “Panaginip”

Brian wrote, composed, produced, and arranged the pop/R&B track all on his own.

Dama ang masakit na paggising sa katotohanan matapos ang isang relasyon sa bagong kanta ng singer-songwriter na si Brian Gazmen na pinamagatang “Panaginip.”
 
Kabilang si Brian sa male vocal trio ng Star Pop na “Chill Guys” kasama sina Jose Vitug at Bryce Manzano. Siya mismo ang nagsulat, nag-compose, nag-prodyus, at nag-arrange ng kanyang pop/R&B single.
 

Tungkol ang “Panaginip” sa pagtanggap ng isang tao na ang dating magandang ugnayan na puno ng magagandang pangako ay nawala na. Kahit na malungkot ang kanta, layunin pa rin daw nitong magbigay ng magandang mensahe tungkol sa pag-ibig.
 
“Kahit hindi tayo sigurado kung sino ang makakasama natin habambuhay, darating pa rin ‘yung panahon na mararamdaman na lang natin. Hindi man ngayon, pero mangyayari rin ‘yun,” aniya.

 
Nakasama sa “New Music Friday” playlist ng Spotify Philippines ang kanta. Bago ito, inilabas naman ng 21-anyos na singer-actor ang single niyang “Sinta” ngayong taon at “Perfect as You” noong 2020, na sa kasalukuyan ay nasa halos 225,000 na ang streams sa Spotify.
 
May single din si Brian kasama ang “Chill Guys” na “Ako Para Sa’yo,” at nag-cover din sila ng HIMIG 11th Edition 2nd Best Song na “Kahit Na Masungit.”
 
Gumising sa mula sa dating pag-ibig at pakinggan ang “Panaginip” sa ABS-CBN Star Music YouTube channel at sa iba’t ibang digital music platforms. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook (www.facebook.com/starpopph) at sa Twitter at Instagram (@starpopph).

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE