News Releases

English | Tagalog

Kapamilya shows at stars, sisimulan ang 100 araw na fundraising ng ABS-CBN para sa mga biktima ng bagyong Odette

January 10, 2022 AT 12:14 PM

Kapamilya shows and stars begin ABS-CBN’s 100 days of fundraising activities for Odette survivors

To help our kababayans get back on their feet, ABS-CBN has launched “Tulong-Tulong sa Pag-ahon: Isang Daan Sa Pagtutulungan,” a series of fundraising activities in 100 days from different groups within ABS-CBN, starting with ABS-CBN shows and stars, with the goal of providing assistance to 100,000 affected families.

“Isang Daan sa Pagtutulungan,” inilunsad para matulungan ang 100k pamilya
 
Halos isang buwan matapos mawalan ng tahanan, kabuhayan, at mahal sa buhay dahil sa bagyong Odette, aabot sa 1.4 milyong pamilyang Pilipino ang patuloy na nangangailangan ng tulong habang humaharap din sa banta ng COVID-19.
 
Para matulungan sa pagbangon ang ating mga kababayan, inilunsad ng ABS-CBN ang “Tulong-Tulong sa Pag-ahon: Isang Daan Sa Pagtutulungan” kasama ang iba’t ibang grupo at dibisyon sa ABS-CBN, una na rito ang Kapamilya shows at stars, upang mahatiran ng ayuda ang 100,000 apektadong pamilya.
 
Tatakbo ang ikalawang bahagi ng online fund drive ng ABS-CBN at ABS-CBN Foundation mula Enero 9 hanggang Abril 18 simula kagabi sa “By Request” A Benefit Concert tampok si Regine Velasquez-Alcasid na napanood sa FYE Channel sa Kumu, ABS-CBN Entertainment Facebook page at YouTube channel, at iWantTFC. 
 
“Makakarating po (ang inyong mga donasyon) sa lahat ng mga kababayan nating nangangailangan po talaga ng sobra sa ngayon…Lalo na ngayon na ang dami-dami po talagang nahihirapan at nangangailangan ng tulong natin. Sinasabi nga nila ‘di ba, let’s pay it forward. Generosity should not only happen during the holidays. Ang pagbabahagi natin ng blessing sana po all year round,” ika ng Asia’s Songbird sa unang gabi ng “By Request,” kung saan umabot na ng P1 milyon ang natanggap na donasyon bandang 10:15 pm habang hinihintay pa ang mga donasyon mula sa ibang donation platforms.
 
Inanunsyo ni Regine at ang host kagabi na si Darla Sauler na pwede na ring mag-avail ng Tulong Bag donation vouchers sa Lazada at Shopee kung saan ang P100 Tulong Bag donation voucher ay katumbas ng food pack na 1kg rice at dalawang pagkaing de lata para sa isang tao, habang ang P400 Tulong Family Bag donation voucher naman ay magbibigay ng 5kg rice at anim na de lata para sa isang pamilya.
 
Magtutuloy naman ang “By Request” tuwing 8 pm hanggang Enero 18 tampok ang iba pang artist mula sa “ASAP Natin ‘To” na mag-aalay ng awitin at kwento at eenganyo sa mga taong tumulong sa pamamagitan ng virtual gifts sa Kumu, Facebook stars, YouTube donate button, at QR codes. Pagkatapos ni Regine, si Kyle Echarri naman ang magpapa-concert mamaya (Enero 10) kasunod si Ogie Alcasid sa Miyerkules (Enero 11). Kumpirmado na rin sina KD Estrada and Alexa Ilacad, Jed Madela, Gigi De Lana and GG Vibes band, Moira Dela Torre, Darren Espanto, Erik Santos, at Gary Valenciano.
 
Susundan ang sampung mini concerts ng “By Request” ng iba pang fundraising activities para makumpleto ang 100 araw tulad ng online tindahan ng “PBB Kumunity Season 10,” “Busog sa Pagtulong” ng “Magandang Buhay,” “Kilig Match” ng Kapamilya love teams, “Truth or Dare” ng Kapamilya leading men, at pakulo ng mga Kapamilya teleserye.  Magkakaroon din ng “Metro Fire Sale,” “Boom! Pa-Mine” mula sa “It’s Showtime,” isang Esports charity event, habang mga kwento ng Odette survivors ang hatid ng ABS-CBN News at ABS-CBN Regional. Magtatapos ang 100 araw ng activities sa isang major event sa Abril.
 
Sa malasakit ng donors, umabot na sa 65,995 pamilya sa mga lubhang tinamaan ng bagyo sa Luzon, Visayas, at Mindanao ang nahatiran ng tulong ng ABS-CBN Foundation Sagip Kapamilya noong Enero 8. Mula nang inilunsad ang kampanya noong Disyembre sa pamamagitan ng isang benefit concert tampok ang mahigit 100 stars, nakalikom ang unang phase ng “Tulong-Tulong sa Pag-Ahon” na “Andito Tayo Para sa Bawat Pamilya” ng P56,575,497 cash donations at P9,062,614 in kind donations.
 
Para sa iba pang paraang upang mag-donate, pumunta lang sa Facebook, Twitter, at Instagram ng ABS-CBN Foundation at sa https://foundation.abs-cbn.com. Ang DSWD Authority/Solicitation Permit No. ng kampanyang ito ay DSWD-SB-SP-00026-21, na valid nationwide hanggang Mayo 28, 2022.
 
Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok, o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.