News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, pinarangalan sa 43rd Catholic Mass Media Awards

January 06, 2022 AT 03:43 PM

ABS-CBN wins Best Station ID, other honors at the 43rd Catholic Mass Media Awards

Its 2020 Christmas theme “Ikaw Ang Liwanag at Ligaya,” which won Best Station ID, is one of three videos produced by the ABS-CBN Creative Communication Management (CCM) division that received awards this year.

Mga Kapamilya, hinangaan sa kanilang positibong impluwensya
 
Hinirang na Best Station ID ang “Ikaw Ang Liwanag at Ligaya” ng ABS-CBN sa 43rd Catholic Mass Media Awards kamakailan lang bukod sa iba pang pagkilala bago matapos ang taong 2021.

Ang Christmas theme ng ABS-CBN noong 2020 ay isa sa tatlong video na likha ng ABS-CBN Creative Communication Management (CCM) division na tumanggap ng parangal ngayong taon.

Nagwagi rin ang “Pag-alala sa Kadakilaan: Tribute to Frontliners” bilang Best Public Service TV Ad at Best TV Ad (Branded) naman ang “Hindi Ka Nag-iisa,” na isang teaser para sa teleseryeng “Huwag Kang Mangamba.”  
Sa larangan ng musika, panalo para sa Star Music ang “We Give Our Yes” ni Jamie Rivera na Best Music Video habang Best Secular Song naman ang “Heal” ng ABS-CBN Music International na kinanta ng ilan sa pinakasikat at matunog na artists sa Southeast Asia.

Umani rin ng Special Citation and “Wikaharian” ng Knowledge Channel sa Best Children & Youth Program category. Kamakailan lang, napabilang din si Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) president at executive director Rina Lopez-Bautista sa "Asia's 2021 Heroes of Philanthropy" ng prestihiyosong Forbes Asia magazine para sa kanyang mga kontribusyon para sa edukasyon ng mga batang Pilipino lalo na ngayong may pandemya.

Kinilala rin ng iba pang respetadong publikasyon ang iba pang personalidad at lider ng ABS-CBN. Kasama sa Tatler Asia’s Most Influential List sina Angel Locsin, Anne Curtis, Bianca Gonzalez, Gary Valenciano, John Arcilla, Karen Davila, Korina Sanchez-Roxas, Lea Salonga, Martin Nievera,  Moira Dela Torre, Regine Velasquez, Sarah Geronimo, at Toni Gonzaga, at maging sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak, at “G Diaries” host at Creative Programs Inc. president Ernie Lopez.
 
Kabilang din sina Carlo at John sa “21 People Who Shaped 2021” list ng luxury magazine na Lifestyle Asia.
 
Samantala, ginawaran rin sa Gabi ng Parangal ng 2021 Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal sina Charo Santos (Best Actress in a Leading Role), Rans Rifol (Best Actress in a Supporting Role), at Daniel Padilla (MMFF Jury Prize Award) para sa kanilang pagganap sa “Kun Maupay Man It Panahon.”
 
Nanalo rin ang pelikula ng Second Best Picture, ng Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award, Best Production Design, at Best Visual Effects.

Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.