News Releases

English | Tagalog

Noli, manghuhuli ng mga bubwit sa “KBYN: Kaagapay Ng Bayan”

November 10, 2022 AT 09:45 AM

“Egg Basket Capital of the Philippines,” bibisitahin ni Kabayan ngayong Linggo

 

Sino ang mag-aakala na pwedeng pagkakitaan ang mga peste?

Susubukan ni Noli de Castro na manghuli ng daga sa mga palayan ng Pampanga ngayong Linggo (Nobyembre 13) sa “KBYN: Kaagapay ng Bayan.”

Dahil sa pagdami ng daga sa mga palayan, na lubhang nakakaapekto sa kabuhayan ng mga magsasaka, inilunsad ng lokal na gobyerno ng isang bayan sa Pampanga ang programang “Ang Wanted: Mr. Rat.” Layunin nitong maalis ang mga pesteng ito sa pamamagitan ng panghuhuli nito kapalit ng pera.

Itatampok rin ng KBYN ang dalawang magkapatid na naglilikha ng mga dekorasyon sa bahay gamit ang mga lumang gulong. Sa puhunan nilang 200 hanggang 300 pesos, kumukuha sina Allen at Dyan Olfindo ng mga materyales mula sa mga vulcanizing shop sa Antipolo City. Ginagawa nila itong hanging pots at ibinebenta ito sa pamamagitan ng kanilang Facebook page na “GO-Gulong Craft and Arts Project.”

Samantala, bumisita si Kabayan sa San Jose, Batangas, na kilala bilang “Egg Basket Capital of the Philippines,” at nakilala ang pinakaunang magmamanok na si Glicerio Lagaya. Ibinahagi ng 95 anyos na magmamanok ang mga kwento kung paano lumago at umunlad ang negosyong ito sa kanilang bayan. Mula sa simpleng itlog, nakapagpoproseso na rin sila ng mga egg liquid at egg powder sa mga taong laging on the go. 

Abangan ang mga kuwentong ito ngayong Linggo (Nobyembre 13) sa “KBYN: Kaagapay ng Bayan” sa A2Z, TeleRadyo, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, youtube.com/ABSCBNNews at sa news.abs-cbn.com/live.

Para sa iba pang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.