Maraming mga aral at hugot ang binaon ng iWantTFC subscribers na nakipag-Valentine’s date at nanood ng original series na “The Goodbye Girl” na pinagbibidahan ni Angelica Panganiban.
Sa unang episode ng six-part series, ipinakilala si Yanna (Angelica), isang babaeng naging sawi sa pag-ibig matapos siyang hiwalayan ng asawa (RK Bagatsing) niya. Naging internet sensation si Yanna matapos niyang sumbatan ang asawa niya habang lasing at umiiyak sa isang livestream.
Nakahanap naman si Yanna ng bagong dahilan para mabuhay dahil sa pamimigay niya ng payo online tungkol sa pag-ibig habang sinusubukan niyang mag-move on.
Marami namang hugot at papuri ang netizens na nakapanood ng unang episode.
“Vibe was so devastating, it matches the narrative. Angge acing the pilot episode. Short but subtle Ep 1. #TheGoodbyeGirl on @iwanttfc,” post ni @JiemFrancThe.
“Akala ko masasaktan lang ako ngayong Valentine's dahil wala akong ka-date pero mas nasaktan naman ako dito sa The Goodbye Girl, grabe ka @angelica_114 mapanaket ka pero ang galing niyo po… Freeing yourself from the pain and accepting hardly acceptable events are the biggest move you could do to be better and from this you could ask forgiveness to yourself for hurting it. You have the biggest apology to make to yourself, so forgive it,” sabi ni @RealKristian1.
“In fairness po sa first episode, ang ganda!! Masakit po talaga pag jowa mo mahal pa ex niya. Tsk tsk. Anyways, Watch #TheGoodbyeGirl on iWantTFC app or website,” komento ni @mglsrndo21.
“Watched Ep1 of #TheGoodbyeGirl on @iwanttfc. A great actress such as @angelica_114 can play any role she's handed, whether it's made for the mainstream or not. The soundtrack is a great listen and cinematography is on point. P.S. Nakaka-miss nang mag-Elyu,” tweet naman ni @AltStarCinemaJust.
Sa mga susunod na araw hanggang Pebrero 19, makikilala na rin si Loisa Andalio bilang ang “The Clueless Girl” na hindi alam kung bakit lagi siyang iniiwan ng mga kasintahan niya at si Barbie Imperial bilang ang “The Other Girl,” ang kabit ng isang may-asawa. Nariyan din si Maris Racal bilang si “The Bitter Hopia” na umaasang masusuklian ng taong gusto niya ang pagmamahal niya at si Elisse Joson bilang “The Legally Blind,” ang kawawang fiancée ng isang babaerong lalaki.
Ang “The Goodbye Girl” ay mula sa direksyon ni Derick Cabrido at produksyon ng Dreamscape Entertainment at Clever Minds Inc. May bagong episode bawat araw, 8 PM mula Pebrero 14 hanggang 19 sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iWantTFC website (
iwanttfc.com). Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang
https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.
Para sa updates, i-like ang
www.facebook.com/iWantTFCo sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa
www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa
support@iwanttfc.com.