News Releases

English | Tagalog

SAB, isinulat para sa crush niya ang single na “I’d Like To”

March 11, 2022 AT 11:39 AM

Pagbabalik-tanaw sa kanyang puppy love

Mula sa tagumpay ng kanyang debut EP noong 2021, naglabas ng bagong awitin na “I’d Like To” ang singer-songwriter na si SAB mula sa Tarsier Records, na kolaborasyon niya kasama ang label head na si Moophs.

“Pagkatapos ko mag-release ng mga chill indie, upbeat, at ballad na kanta, na-realize ko na gusto ko pa mag-deep dive sa indie-pop genre gaya ng kanta kong ‘She’ na youthful at natural ang tunog gamit ang ukulele,” ani SAB.

Isang indie-pop track ang “I’d Like To” na tungkol sa puppy love at pagiging awkward ng mga teenager sa relasyon. Kumuha ito ng inspirasyon sa personal na karanasan ni SAB kung saan nagka-crush siya sa isa sa best friends niya.

Maririnig ang impluwensiya nina dodie, Will Jay, at AJ Rafael sa kanta na isinulat ni SAB kasama si Moophs na siya ring nagprodyus nito.

Umpisa pa lang ang “I’d Like To” sa mga kantang ilalabas ni SAB sa Tarsier Records na ico-compile sa isang EP. Sinusundan nito ang kanyang debut mini-album na “Sunsets and Heaven” na inilabas noong isang taon sa ilalim ng Star Music na na-feature sa iba’t ibang editorial playlists ng mga streaming platform. Kasama sa album ang kauna-unahang niyang kanta na “She” na napakinggan sa Korean drama na “Flower of Evil” at digital series na “Hello Stranger.”

Samantala, ilan naman sa mga pinakabagong proyekto ni Moophs ang “Real” kasama si Markus Paterson, “Nonstop” kasama si Sam Concepcion, at “Afraid” na kolaborasyon niya kasama si Russell.

Balikan ang kilig ng young love at pakinggan ang kanta nina SAB at Moophs na “I’d Like To” sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa updates, sundan ang Tarsier Records sa iba’t iba nitong social media accounts, @tarsierrecords.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE