Filipinos all over the world will get to see Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez pass her crown on this special night through ABS-CBN, as the official digital streaming partner of the Miss Universe Philippines
Sino kaya ang susunod na pambato ng Pilipinas sa 2022 Miss Universe?
Kilalanin ang Pilipina na papasahan ng korona ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez sa coronation night ng Miss Universe Philippines sa Abril 30, 7PM na mapapanood ng LIVE at FREE sa digital platforms ng ABS-CBN na iWantTFC at ABS-CBN entertainment YouTube Channel bilang official digital partner ng prestihyosong pageant.
Saksihan ang kaganapan sa MOA Arena kasama ang hosts na sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss Universe 2016 Iris Mittenaere, at Miss Universe 2017 Demi-Leigh Tebow.Suportahan ang inyong napupusuang kandidata sa pagrampa nila ng kanilang swimsuit at gowns at pagsagot sa Q&A portion sa naturang gabi. Huwag din palampasin ang performances ninaBamboo, Francisco Martin, at Sam Concepcion.
Samantala, may kapangyarihan ang fans kung sino ang gusto nilang hirangin bilang Miss Universe Philippines 2022 bilang panglabing-isang hurado sa final competition ng nasabing pageant sa pagsasanib pwersa ng Miss Universe Philippines at Lazada. Ang boto na manggagaling sa viewers ay parte sa Official Score ng finalists na basehan sa pagpili ng Top 10, Top 5, at winner. Huwag nang palampasin ang tsansa na iboto ang inyong paborito at i-download na ang Lazada app. Maari kayong pumili sa voting packages na available sa app. Bawat isang piso ay nagkakatumbas ng isang boto.
Para mas makilala at makilatis ang mga kandidata, maaring mapanood ang highlights ng preliminaries sa nasabing digital platforms ng ABS-CBN.
Panoorin ang laban ng 32 kandidata LIVE ngayong Abril 30, 7PM sa iWantTFC, ABS-CBN Entertainment YouTube Channel, at TFC IPTV. Panoorin naman ang highlights ng preliminaries at coronation night saFacebook page, TikTok, Twitter, and Instagram ng ABS-CBN Entertainment.
Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.