Over 30 Kapamilya artists led by Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, and Regine Velasquez-Alcasid sang songs of hope to express gratitude to those who donated to help victims of Super Typhoon Odette
Nagsama sa “ASAP Natin ‘To” stage ang lagpas 30 Kapamilya artists sa pangunguna nina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, at Regine Velasquez-Alcasid noong Linggo (Abril 17), para maghandog ng mga awiting puno ng inspirasyon upang pasalamatan ang mga sumuporta sa 100-araw na fundraising ng “Tulong-Tulong sa Pag-Ahon: Isang Daan sa Pagtutulungan” ng ABS-CBN at ABS-CBN Foundation para sa mga sinalanta ng bagyong Odette. Noong Abril 17, nakapaghatid na ng food packs sa 207,649 na pamilya at home repair kits sa 584 na pamilya habang umabot na sa higit P105.86 milyon ang cash donation at nagkakahalaga naman ng P16.5 milyon ang in-kind donations. (DSWD Authority/Solicitation Permit, DSWD-SB-SP-00026-21, valid until May 28, 2022)