News Releases

English | Tagalog

“Kapamilya Himig Handog,” nagwagi ng Gold Quill Award

June 29, 2022 AT 10:17 AM

ABS-CBN wins two Int’l Gold Quills for outstanding employee campaigns

The country’s leading content provider won for its internal COVID-19 awareness project and its “Kapamilya Himig Handog” employee songwriting contest in IABC’s premier awards program that held its awarding ceremony in New York City, USA on June 28.

Mga programa ng ABS-CBN para sa empleyado, kinilala sa mundo

Nanalo ang ABS-CBN ng dalawang parangal sa 2022 Gold Quill Awards ng International Association of Business Communicators para sa kanilang mga programa para sa kanilang empleyado, kasama ang kauna-unahang “Kapamilya Himig Handog” employee songwriting competition.

Nagbunga ang “Kapamilya Himig Handog” ng limang bagong kanta na nakapaloob sa OPM Fresh Songwriters Series Vol. 1 EP na napapakinggan na sa iba’t ibang platform tulad ng Amazon Music, Apple Music, at Spotify. Meron na ring pinagsamang 70,000 views ang lyric videos nito sa YouTube.

Pinuri ang “Kapamilya Himig Handog” ng mga evaluator ng Gold Quill sa matagumpay nitong pagtupad sa layunin nitong mag-diskubre ng mga bagong manunulat ng kanta mula sa mga empleyado mismo ng ABS-CBN, at bigyan sila ng pagkakataong maipakinig sa mundo ang kanilang musika. 

Panalo ang patimpalak na ito, na hango sa kilalang nationwide songwriting contest na “Himig Handog,” sa primerong awards program ng IABC, kung saan nagwagi rin ng ang COVID-19 awareness campaign ng ABS-CBN para sa Kapamilya employees.

Samantala, makatulong sa pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa organisasyon naman ang hangarin ng “Act As If You Have the Virus” campaign ng ABS-CBN, na kinilala naman sa mahusay na pagpapaalala sa mga empleyado na sumunod sa safety protocols at mag-ingat sa panahon ng pandemya.

Ginanap sa New York City, USA noong Hunyo 28 ang 2022 Gold Quill Awards, na apat na dekada nang nagbibigay ng pagkilala sa kahusayan sa komunikasyon sa buong mundo. Umabot sa 406 entries mula sa 16 na bansa ang kasali ngayong taon, kung saan 125 lamang ang tatanggap ng parangal.

Nakuha ng ABS-CBN ang dalawa sa pitong Gold Quill Awards na napanalunan ng Pilipinas ngayong taon.  Bago ang mga ito, nagwagi na rin ang ABS-CBN sa Gold Quill Awards para sa Sagip Pelikula film restoration project (2019 & 2014),  “Wow at Saya” audience experience program (2018), "Tulong Na, Tabang Na, Tayo Na" advocacy campaign (2015), at election advocacy campaign “Boto Mo, i-Patrol Mo” (2008). 

Para sa iba pang updates sa ABS-CBN, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE