Led by the ABS-CBN News Public Service team, the ABS-CBN Foundation delivered food packs, hygiene kits, water, and vitamins to residents of Brgy. Puting Sapa, Juban whose lives were disrupted by the volcanic eruption.
Mga magsasaka ng Bucas Grande, binigyan ng home repair kits
Umabot sa 260 pamilya sa Sorsogon ang nahatiran ng tulong ng ABS-CBN Foundation matapos matakpan ng abo ang kanilang lugar dahil sa pag-alboroto ng Bulkang Bulusan.
Sa pangunguna ng ABS-CBN News Public Service team, naiabot na ang food packs, hygiene kits, tubig, at bitamina sa mga residente ng Brgy. Puting Sapa, Juban na naapektuhan ang pamumuhay dahil sa matinding ashfall.
Samantala, lalo pang tumibay ang pag-asa para sa mga magsasaka sa Bucas Grande Island sa Socorro, Surigao del Norte nang dumating ang home repair kits nitong buwan na kanilang magagamit sa pagkumpuni ng kanilang mga tahanan. Mahigit limang buwan matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette, hirap pa ring makabangon ang mga residente roon.
“Ito 'yung sitwasyon namin. Hindi pa rin stable. Hindi pa siya gaano ka permanent 'yung tirahan namin,” ani Sha Harim Antegro, isa sa mga benepisaryo sa ulat ng “TV Patrol.”
Nagpasalamat din si ang kanilang purok chairman na si Romero Henson Ajoc sa tulong na hatid ng ABS-CBN sa kabila nang pagkawala nito sa ere dahil sa shutdown noong 2020.
“Kahit wala na sa ano (ere) 'yung ABS-CBN pero patuloy pa rin ang kanilang pamamahagi. Maraming salamat,” sabi niya.
Para sa iba pang impormasyon sa pagtulong, puntahan ang website ng ABS-CBN Foundation o sa opisyal nitong accounts sa Facebook, Twitter, at Instagram. Para naman sa updates sa ABS-CBN, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok, o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.