News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN journalists, pinarangalan sa Pagdasig Awards 2022

July 14, 2022 AT 03:12 PM

ABS-CBN journalists receive honors at the Pagdasig Awards 2022

ABS-CBN journalists bagged major awards for their efforts to combat the spread of misinformation and disinformation at the Pagdasig Awards 2022 given by the communication students of Leyte Normal University in Tacloban City.

Jeff Canoy, Jacque Manabat, atbp kinilala ng mga estudyante ng Leyte Normal University

 

Binigyang pugay ang ilang mamamahayag ng ABS-CBN sa pakikipaglaban nila sa pagkalat ng fake news sa Pagdasig Awards 2022 ng mga estudyante ng komunikasyon ng Leyte Normal University sa Tacloban City.

Wagi bilang Best TV Reporter sa male at female categories sina Jeff Canoy at Jacque Manabat, habang nasungkit naman nina Angela Coloma at Karl Cedrick Basco ng ABS-CBN News Digital Media ang Best Online Female News Writer at Best Online Male News Writer.

Tinanghal din ang regional correspondent na si Sharon Evite-Carangue na Best Local/Regional News Writer sa Leyte at Eastern Visayas.

Ipinahayag ni Jeff Canoy ang kanyang pasasalamat sa natanggap na parangal. “Salamat po sa pagkilala at kailangan po ng mga pagkilala sa panahon na kinakailangan talaga natin ang malayang pamamahayag,” aniya sa "Sakto," ang kanyang programa sa TeleRadyo kasama si Johnson Manabat at Amy Perez.

Ipinalabas kamakailan ng awarding ceremony ng Pagdasig Awards sa Facebook page ng BACommUNITY, ang samahan ng mga mag-aaral na nasa likod ng patimpalak.

"Habang mas lumalaganap ang misinformation at disinformation ngayon, nararapat lamang na kilalanin ang mga frontrunner ng media na walang sawang lumalaban sa laganap na fake news," sabi ng BACommUNITY sa kanilang Facebook post.

Para sa iba pang update, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, and TikTok, or visit www.abs-cbn.com/newsroom