16 na programa at personalidad ng ABS-CBN, nag-uwi ng mga gantimpala
Nasungkit ng ABS-CBN ang 16 na parangal, kasama na rito ang Digital Media Network of the Year para sa Kapamilya Channel at Best TV/Digital News Platform para sa ABS-CBN News, sa The Golden Laurel 2022: The Batangas Province Media Awards ng Lyceum of the Philippines University-Batangas.
Kinilala rin ang “TV Patrol” bilang Best TV/Digital News Platform pati ang anchor nito na si Bernadette Sembrano bilang Female News Anchor of the Year.
Wagi rin sa Golden Laurel 2022 ang mga Kapamilya artists na sina Jodi Sta. Maria (Best Drama Actress for “The Broken Marriage Vow”), Joshua Garcia (Best Drama Actor for “Viral Scandal”), Angel Locsin (Most Inspiring Social Media with Social Cause Category), at Kathryn Bernardo (Most Inspiring Social Media Personality Lifestyle/Entertainment Category).
Samantala, pinarangalan din ang entertainment shows ng ABS-CBN kabilang na ang “It’s Showtime” (Best Variety Show and Best Variety Show Hosts), “Magandang Buhay” (Best Celebrity Talk Show), “Maalaala Mo Kaya” (Best Drama Anthology Program), at “The Broken Marriage Vow” (Best Drama Series).
Panalo rin ang “Lingkod Kapamilya sa TeleRadyo” hosts na sina Bernadette Sembrano at Edric Calma bilang Best Public Service Program Hosts. Inuwi rin ng kanilang programa ang Best Public Service Program award.
Napili rin ng Batangas academic community ang Metro magazine bilang Best Print/Digital Lifestyle Magazine.
Pinagbotohan ng mga estudyante, empleyado, at partner schools sa Batangas province ang mga nanalo sa The Golden Laurel 2022. Ginanap ang awarding ceremony sa Freedom Hall ng SHL Building, Lyceum of the Philippines University-Batangas, Capitol Site, Batangas City noong Huwebes (Agosto 4).
Para sa iba pang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom