Bernadette, ibabahagi ang kwento kung paano binago ng “It’s Showtime” ang buhay ng isang estudyante ngayong Linggo
Kikilalanin ng ABS-CBN reporter na si Jacque Manabat si Kyle Jennermann, na kilala bilang Kulas sa kanyang vlog na "Becoming Filipino," sa “Tao Po” ngayong Linggo (Oktubre 22).
Pag-uusapan nina Jacque at Kulas ang paglalakbay niya tungo sa pagiging Pilipino, na nagbunga na noong Setyembre nang gawaran na ito ng Kongraso ng naturalized Filipino citizenship. Ibabahagi rin ni Kulas kung bakit napamahal na siya sa Pilipinas.
Ikukwento rin ni Bernadette Sembrano kung paano nabago ang buhay ni Michaela Palapar, na nanalo ng P19,000 sa “Rampanalo” ng “It’s Showtime.” Ibabahagi ng third-year student na si Michaela na hindi lamang kasiyahan ang hatid ng noontime show, kundi isa rin itong instrumento para sa kabutihan na tunay na nagbibigay ng sigla sa buhay ng madlang pipol tuwing tanghalian.
Samantala, itatampok naman ni Kabayan Noli De Castro ang negosyanteng si Wilson Choi, isang furdad sa mahigit 200 rare at imported na aso. Bibisitahin niya ang 8-ektaryang lupain ni Wilson kung saan inaalagaan ng huli ang mga higante at cute na furbabies.
Panoorin ang mga nakakatuwang kwento na ito ngayong Linggo (Oktubre 22) sa “Tao Po” mula 6:15 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at ABS-CBN News Online.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.