News Releases

English | Tagalog

Karen, itatampok ang tatlong babaeng negosyante na nagtagumpay dahil sa Taytay garments sa “My Puhunan”

December 15, 2023 AT 01:20 PM

Migs, kikilalanin ang founder ng “Tea Talk” na si Ghie Pangilinan

 

Naghahanap ba kayo ng mga damit pamasko na mura at pasok sa budget? Tara na sumama sa My Puhunan sa “Garments Capital of the Philippines” sa Taytay, Rizal. 

Bukod sa makakapili ka na ng mga fashionable clothes, ikukwento ng tatlong babaeng negosyante kung paano nila napaunlad ang negosyo sa pamamagitan ng paggawa ng murang damit sa “My Puhunan” ngayong Sabado (Disyembre 16).

Makakausap ni Karen Davila sina Erika Duran, Dolores Munar, at Nancy Andres na nagtagumpay dahil sa mga tela at damit na gawa sa Taytay. Si Erika, na nagsimula sa P500 lamang na kapital para sa mga tela, ay isa nang may-ari ng salon at restaurant. Si Dolores, na isang reseller, ay gumagawa na ngayon ng ibebentang damit para sa mga bata. Si Nancy, na madalas na mamimili sa Taytay, ay nagbebenta ng mga kasuotan mula sa mga local at international suppliers sa kanyang stall sa Baclaran.

Samantala, para sa mga gustong magnegosyo bago pa maubos ang Christmas bonus,  ipakikilala ni Migs Bustos ang isang milk tea shop na “Tea Talk” para alamin paano maaaring maging franchisee ang mga manonood ng “Tea Talk” restaurant o kiosk-type na tindahan, na may business model na mas murang panimulang puhunan.

Huwag palampasin ang mga kwentong puno ng inspirasyon sa ‘My Puhunan: Kaya Mo!’ kasama sina Karen Davila at Migs Bustos sa bago nitong timeslot tuwing Sabado, 5:00 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, news.abs-cbn.com/live at sa iba pang ABS-CBN News online platforms. 

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.