News Releases

English | Tagalog

Kwentong tagumpay ni PBA player Rey Nambatac, tampok sa "My Puhunan"

August 04, 2023 AT 02:41 PM

"My Puhunan" features success story of PBA player Rey Nambatac this Sunday

How far will your two thousand pesos take you? In the case of PBA player Rey Nambatac of Rain or Shine, his two thousand pesos got him to Manila where he fulfilled his dream of becoming a professional basketball player, which he will share in “My Puhunan: Kaya Mo!” this Sunday (Aug 6), 9:30 a.m.

“Idol TikToker” Romeo Catacutan, dating naging “black sheep” ng pamilya 
 

Saan aabot ang dalawang libong piso mo? 

Sa kaso ng PBA player na si Rey Nambatac ng Rain or Shine, dinala siya ng kanyang dalawang libong piso sa Maynila na naging daan para matupad ang pangarap na maging professional basketball player, na kanyang ibabahagi sa “My Puhunan: Kaya Mo!” ngayong Linggo (Agosto 6), 9:30 am. 

Tubong Mindanao si Rey na matagal nang inasam makapunta ng Maynila para maging PBA player. Mula sa pagiging student athlete ng Letran sa NCAA, nakamit din ni Rey ang pangarap nang makapasok siya sa PBA sa koponan ng Rain or Shine. Sa edad na 29, nakapagpundar na rin si Rey ng mga ari-arian tulad ng lupa, kung saan ipatatayo niya ang dream house nila ng kanyang fiancé. 

Samantala, mapapanood din ngayong Linggo sa “My Puhunan” ang kwento ni “Idol TikToker” Romeo Catacutan ng Pampanga. Kwento ni Romeo, laki siya sa hirap at hindi nakapagtapos ng pag-aaral at nabansagan pang “black sheep” ng pamilya. Pero ginawa niyang puhunan ang madilim na nakaraan upang magbagong buhay. Ngayon, meron na siyang iba’t ibang negosyo sa San Luis, may sariling farm, gasolinahan, at nakapagpatayo na rin ng kanyang dream house. 

Huwag palampasin ang mga kwentong puno ng inspirasyon sa ‘My Puhunan: Kaya Mo!’ kasama sina Karen Davila at Migs Bustos simula ngayong Linggo, Agosto 6, 2023, 9:30 a.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, news.abs-cbn.com/live at sa iba pang ABS-CBN News online platforms. 

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.    

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE