BGYO, ipapakita ang matinding pag-eensayo ngayong Linggo
Ikukwento ng Pinoy boy group na BGYO ang kanilang pinagdaanan mula sa auditions at paglalakbay patungo sa kasikatan sa “Tao Po” ngayong Linggo (Setyembre 3).
Daldalhin ng Kapamilya reporter na si Lyza Aquino ang mga manonood sa nakakapagod na rehearsals nina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate. Game ring makikipagsayaw si Lyza sa kanilang hit song na "Magnet."
Samantala, titingnan ni Bernadette Sembrano ang sitwasyon ng trapiko sa bansa sa perspektibo ng dating traffic reporter at diorama hobbyist na si Ann Jun Magnaye, na lumilikha ng kanyang disenyo mula sa mga recycled na materyales at die cast na mga modelo.
Itatampok din ni Kabayan Noli de Castro ang isa pang nakaka-inspire na indibidwal na si Fidel Esclanda – isang bulag na padre de pamilya na naglalako ng kanyang mga paninda araw-araw upang suportahan ang kanyang mga anak.
Panoorin ang mga kwento ng pag-asa at inspirasyon na ito ngayong Linggo (Setyembre 3) sa “Tao Po” mula 6:15 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at ABS-CBN News Online.
Para sa iba pang balita, sundan ang @abscbnpr sa TikTok, Facebook, X (dating Twitter), Instagram, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.